Nagising siyang kumakalam ang sikmura. Nang ibaling ang tingin ay nakita niya si Kenneth na mahimbing na natutulog sa may sofa. Agad siyang nakaramdam ng lungkot. Maybe he was right. Kasalanan niya ang lahat ng ito kaya kailangan niyang pagbayaran ito. Malaki ang kasalanan niya kay Abi. Namatay itong may galit sa kan'ya. Pero kay Abi lang siya may pagkakasala at hindi kay Kenneth. Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto, bumalik siya sa kwarto niya at naligo. Bumaba siya at diretso sa kusina. "Goodmorning po ma'am, ipaghahain ko na ho ba kayo?" Tanong sa kan'ya ni Sally. Agad siyang napatango. "Nako ma'am alalang-alala sa inyo si sir kahapon nang malaman niyang buong araw kayong hindi kumain" Si Kenneth mag-aalala sa kan'ya? Baka tuwang-tuwa pa nga iyong malaman na hindi siya kumain.

