Bakit ganoon? Ito lang ba ang nawalan? Hindi ba mas masakit para sa isang ina ang mawalan ng anak? Pero bakit sa akin nito isinisisi ang lahat? Kung umasta ito parang hindi siya nasasaktan. Malungkot siyang napaupo sa kama at napabuntong-hininga. Maybe someday, Kenneth will also realize her worth. Kinabukasan maaga siyang nagising. Nakita niya si Sally na nagluluto sa may kusina. "Ah, Sally" Tawag niya rito. Agad siya nitong nilingon. "Oh ma'am goodmorning po, gutom na po na kayo?" Agad siyang umiling "Can I ask you a favor?" "Ano po 'yon ma'am?" "Pwede mo ba akong pahiramin ng cellphone mo?" Agad naman itong nagulat. "Nako po, pasensiya na pero hindi ko po pwedeng gawin 'yan. Isa pa po, bawal na bawal po rito ang pag gamit ng cellphone" Agad bumagsak ang mga balikat niya. Mata

