Pamela Ang totoo kagabi ko pa niligpit ang gamit ko. I only had a few pieces of clothing with me. Kasi may day off naman and I can also wash it if I have nothing to wear. Dala ko rin ang uniform ko kung sakaling required na ito ang suot ko araw-araw. Nakahanda na ang isa kong backpack kagabi pa. Nasa ibabaw lang ng kama ko habang inaantay kong dumating si Mrs. Natividad. Ano kayang itsura niya? Sana ay mabait tulad ng sabi ni director Miller. May kumatok sa pinto nakakunot noo ako. Sino naman kaya iyon? Maghapon lang akong nakahiga pagkatapos kong labhan ang hinubad kong mga damit ng dalawang araw. Nang matapos ay nainip ako naisipan kong magbasa na lang sa app ng Dreame sa story inaabangan ko. Kaya nga lang naubusan ako ng free coins kaya tigil balik sa pahiga-higa kahit naiinip na ako

