Pamela After two months… Parang kahapon lang nasa mga Madrigal pa ako namamasukan. May mabait na mga amo. May Tiyang na itinuturing kong pangalawa kong Ina. At isang kaibigan sa katauhan ni Anna na p'wede kong ituring na bestfriend kasama si Reanna. Ang bilis ng dalawang buwan. Akala ko mahihirapan akong makisama sa mga ka trabaho ngunit taliwas sa iniisip ko lahat sila ay mabait lahat. Nasa nursing ward kami ng dumungaw ang head nurse na si Mrs. Lachano. Sa kaniya napunta ang lahat ng tingin namin. “Guys I have good news.” “Ano po ‘yun ma'am?” sabay-sabay namin tanong. Siya kasi ang head kaya ma'am ang tawag namin. “Si Pamela ay pinatatawag ni Director,” Napatda ako at hinanap ang good news na sinabi niya. Pinata tawag lang kaya walang good news. It's either tatangalin ako ma prom

