Pamela “Tiyang ako'y aalis na po!” Malakas kong sigaw sa labas ng pinto ng silid niya upang masiguro na narinig ako ng Tiyang na nasa loob ng silid niya. Pinuntahan ko siya sa silid niya dahil kanina pa pagkatapos lang kumain ng tanghalian nanatili na lang ito sa loob ng kanyang silid hindi pa lumabas kahit isang beses. Ang paalam kanina masakit ang tuhod niya kaya nanatili nakahiga. Kailangan ko na kasing umalis patungong Sta. Inez, dahil alas-dos na ayaw kong abutin ng dilim sa byahe kaya ako na lang ang pumunta rito sa kwarto niya. Galing na ako kahapon ng Sta. Inez kasi nag hanap ako ng boarding house upang hindi na ako araw-araw mag biyahe pauwi ng San Andres. Bumalik din ulit ako rito sa mansyon pagkahapon. Kasi ang ibang gamit ko hindi ko nadala. Dalawang katamtamang backpack la

