“Excited ako sa inyo mga anak,” sabi pa ni Aling Liwayway pagdating namin ni Blaze sa baba. “Saan ka excited Manang Liwayway?” tanong naman ni Blaze sa kaniya nasa mood makipagbiruan kay Aling Liwayway. Sinakyan naman nito ang biro ni Mayor. “Sa parating na little Blaze at little Pamela Khate,” anang nito kay Blaze. Kaya naman pulang-pula ang mukha ko. Pero sila balewala lang lalo na si Blaze na proud pa. “Mas gusto ko po, kasing kamukha ng asawa ko,” saad ni Blaze inakbayan pa ako at idinikit lalo sa katawan niya kahit na magkadikit naman na kami talaga naman. “Tss, dami mong alam ha?!” sabay siniko ko. Aba umarte pang nasaktan kaso humirit pa hinalikan ako sa pisngi kahit nasa harapan si Aling Liwayway. Hindi tuloy ako makakilos ng maayos. “Nahihiya ang asawa mo hijo. Siya lakad na

