Pamela Ang alam ng mga dumalo ay pag-ibig ang dahilan kaya naganap ang kasal namin ni Blaze. Masaya kasi ang nakaguhit na ngiti bawat isa sa amin. Kaya sino bang mag-aakala na may hangganan lang pala 'to at pagdating ng araw na 'yun tiyak ako maraming mababago sa akin. Isa na roon ang nilalaman ng puso ko. Pagsapit ng alas-singko ng hapon. Unti-unting nag-uwian na ang mga bisita iilan na lang kami naiwan dito sa Sunflower garden. Sumenyas si Marikit na nag-aya na umuwi si Momhie Perla. Kaya tumango ako at sumenyas din ako na sandali lang. Antayin nila ako kasi magpapaalam pa ako kay Blaze. Ihahatid ko sila sa service van na pag-aari rin ni Blaze si Kuya Leonardo taga hatid sa mga dumalo kanina. Kami-kami na lang din ang naiwang tao. Pagkatapos kumain at program nag-uwian na rin ang iba

