Pamela “Marikit lakad na. Tingnan mo sumakay na si Momhie Perla sa loob,” utos ko pa sa kaniya kasi tinawag na ni Momhie Perla. Sumama rin ako patungo sa van. Hindi pa naka sarado ang pinto kasi inantay pa si Marikit. “Next week ka na lang pumunta sa farm kasi ako nga hindi pa nga rin nakakalibot doon eh paano kita to-tour,” biro ko pa kay Marikit na hindi pa ‘ata naniniwala sa aking sinabi. “Oo nga kaya ipagpaalam ko kay Blaze para aware siya pupunta ka,” dugtong ko pa. “Baka hindi mo sinasabi sa asawa mo na gusto mong maglibot Ma'am Pamela. Pagbibigyan ka noon. Ayaw lang siguro ni Mayor na pangunahan ka,” sumagot si Kuya Leonardo. “Nahiya ako Kuya Leanardo busy ang amo mo eh dagdag pa sa trabaho niya,” “Wala iyan isang hiling mo lang magkukumahog iyon hindi pumasok,” tawa pa nito k

