Pamela “Aling Liwayway,” nakangiti ako ng tinatawag ko siyang nakaharap sa lababo busy maggayat ng kaniya lutuing ulam. Mabilis naman niya akong nilingon at labis ang tuwang nakalarawan sa kaniyang mata sabay iniwan ang ginagawa at sa akin napunta ang atensyon niya. “Kanina pa ba kayo dumating, hija?” aniya nagpunas pa ng kamay sa apron na nasa katawan niya todo ang ngiti. “Kadadating lang din po. Hindi n'yo po namalayan na pumasok ang sasakyan ni Blaze sa gate, Aling Liwayway?” nagtataka kong usisa sa kaniya. “Baka iyon time na bumalik ako sa silid nila Julieta, hija. Kasi sinilip ko kaya siguro hindi ko narinig,” wika nito nakatingin sa mukha ko. “Na miss kita Pamela Khate, kasi wala ng maingay rito sa mansyon n'yo simula ng nagbakasyon kayo ng asawa mo,” pagkatapos ay dugtong pa ni

