Blaze Pisti narito na pala si Papa. Masyadong excited aba. Nakita ko kasi ang sasakyan nito at ang tatlo nitong bodyguard sa tabi ng kotse nito. Nailing ako’t iniwan na ako ni Pamela naunang bumaba kaysa sa akin. Excited na lumabas ng sasakyan. I'm sure sila Aling Liwayway at Julieta lang ang dahilan kaya nagmamadaling lumabas ang asawa ko. Madali niyang nakagaanan ng loob ang mga kasambahay namin. Well kahit lahat naman ng mga tauhan ko wala siyang pinipili kaya mas lalo akong naiinlove sa asawa ko. Saksi ako kung paano niya mahalin at pahalagahan ang mga taong mahalaga sa kaniya. Kahit siya pa ang magtiis. Maging mabuti lang ang kalagayan ng kaniyang pamilya. Lalo sa mga kapatid at Tatay niya. Handang gawin ng asawa ko para sa kabutihan ng ama at dalawang kapatid. May takot lang ak

