Pamela “Babalik kami ‘la soon,” wika ko rito kasi kanina pa malungkot ang Lola Ether simula pa kanina ng almusal namin. Hinatid pa kami sa labas kaya lalo na siya nalungkot. Hindi naman maaaring hindi pa kami bumalik ngayon ng Sta. Inez dahil kay Blaze. Tambak na kasi ang trabaho ni Blaze kahit gustuhin kong mag-extend pa kami rito at panigurado ko naman papayag ang asawa ko kaso lang iniisip ko ang trabaho nito sa munisipyo. Nakatatlong araw na nga kami dapat Isang araw lang. Bitin nga lang dahil ang balak naming pasyalan hindi namin nagawa kasi nga nagkasakit ako. Hindi kasi alam ng Lola Ether tumawag ang Papa Ralph. Wala rin binanggit si Blaze sa Lola niya, eh, mas lalong ayaw kong pangunahan ang asawa ko sa mga desisyon niya. Kung hindi sinabi sa Lola Ether meaning bawal ko rin ip

