Pamela “I love you, Pamela Khate. Dito ka lang sa tabi ko, hon, ‘wag mo akong iiwan." “Paano naman kita iiwan hindi pa tapos ang napag kasunduan natin?" mahina kong sabi at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Bakit nasasaktan ako kapag sumasagi sa isip ko na maari kaming maghiwalay ni Blaze kahit mahal na niya ako. Ngayon pa lang takot na akong magkahiwalay kami. "Paano na ang gusto ng Don Ralph?" halos pabulong ko lang iyon nasabi sa kaniya. Marahas itong huminga na para bang mahirap para sa kaniya ang sinabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang hindi siya papayag na mangyari ang aking iniisip. Hinalikan niya ako sa gilid ng noo ko kung saan naabot ng labi niya. Sa lalim noon daig pa ng walang hanggang pangakong hindi mangyayari ang kinakatakot ko. “Mahal na kita sana paniwala

