CHAPTER 151/2 SPECIAL CHAPTER (MCW)

1532 Words

Pamela “Papa Ralph,” una akong magsalita pangbungad ko sa sala. Nakaupo ito kasama ni Prince sa mahabang sofa. Inaabangan ako kasi patingin tingin sa kusina. Nang makita ako ni Prince, magalang na itong nagpaalam upang iwanan kami ni Papa Ralph para mag-usap. Ganun din si Patrick. Pasenyas diretso raw siya sa tindahan simple akong tumango. Tumayo si Papa Ralph ngunit pinigilan ko. “Maupo lang po Papa Ralph, anong gusto mong inumin. Pagkain po may gusto ka po?” aligaga kong sabi. Tumikhim ito nanatiling seryoso. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi pa ako umuupo nanatili ako sa likuran ng pang-isahang sofa nakahawak sa sandalan kaharap niya. “Ayos lang ako hija. H'wag ka ng mag-abala. Napadaan lang ako rito may sinadya lang malapit din naman sa bahay n'yo, naisip kitang puntahan,” Napa ‘ah’

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD