Pamela Nanatili akong sa labas nakatingin. Naririnig ko ang mabigat na paghinga ni Blaze, wala lang kaming imikan. Ngunit maya-maya ay nagulat ako kasi itinigil niya ang raptor sa tabi ng kalsada. Hindi nga lang pinatay ang makina. Nagtaka ako't mabilis ko siyang nilingon upang tanungin kung may dadaanan pa ba kami. Bigla-bigla lang kasi huminto. “Bakit ka tumigil?” tanong ko habang pinagmamasdan ko siya. Tahimik lang si Blaze. Walang sagot kaya hindi ko mapigilan tumaas kilay ko. Humarap siya sa akin inabot ang kamay ko pinagsalikop niya iyon. “Pambihira ka oo, Blaze, dahil gusto mo lang magka holding hands tayo kaya tinigil mo ang sasakyan? Hindi mo pa sinabi, tss,” saad ko sa kaniya. Napanguso ako kasi same pa rin seryoso ang asawa ko. “Pasensya ka na kung sumobra ako kanina. Haya

