Pamela Pagkatapos kumanta ng kinuhang host ni Marikit. Meron agad sumunod dito. Marami pala magaling kumanta na kapitbahay ni Momhie Perla. Hindi halatang mga mahilig sa videoke kasi sanay na sanay sa kantahan at memoryado ang kanta isasalang. “Hon, bakit ang tagal ni, Marikit?” salubong ang kilay ng asawa ko nagtanong sa akin. “Wala pa naman 11:00 a.m. may thirty minutes pa chillax lang, Yorme,” sagot ko sa kaniya ngunit sa kumakanta ako nakatingin. “Hindi ka talaga nagugutom?” aniya kaya’t agad akong pumaling ng tingin sa kaniya. Para bang ito ay stress at pinasadahan ako ng tingin nagtagal sa baby bump ko. Yumakap ako sa braso niya upang lambingin. “Ilang beses ka ng nagtanong niyan Mister? Ayos lang naman ako diba nga marami akong nakain na almusal kanina. Sa bakeshop bumili rin

