Pamela Bago mag alas-sais y medya ng umaga gising na ako at ganun din si Blaze. Sakto rin dahil nag-text na rin ang ‘Lynda Lechon' iyon ang una kong nabungaran na text messages pag-check sa phone ko. “Sinong nag-text ang aga-aga naman niya, honey?” ani ng katabi kong si Blaze sa kama. Mukhang duda pa si, Mayor. Aba'y sinilip pa ang phone ko kahit hawak ko pa. Ipinakita ko rin sa kaniya para mabasa nito. “Lynda Lechon, okay na?” nakairap ani ko sa kaniya. Ngumisi lang at bumangon. Inalalayan din niya ako pagkatapos nauna itong bumaba sa kama, kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya upang tanungin. “Saan ka pupunta?” nagsalubong pa ang kilay ko. “Sisilipin ko lang kung dumating na si Ivan,” “Ah, sige. Mauuna na akong maligo, Blaze, kailangan natin makarating doon bago pa sumapit ang ala

