Pamela Nagising ako ng lumundo ang kama sa tabi ko. Naamoy ko rin ang alak na ininom ni Blaze, mukhang tapos na sila kasi pumasok na ito. Nagkatinginan kami nginitian ko siya dahil napangiwi ito. “Sorry naistorbo ba kita, mm..?” aniya mapungay na ang mata. Tila inaantok na si Blaze. Naging singkit na kasi ang mata at namumula na rin ang mukha. Nakalimutan ko pala patayin ang ilaw kanina bago matulog. Sabay kami ni Ate Aubrey nagpaalam sa isa't-isa kanina na inaantok na. Alas-otso pa iyon panay hikab ko. Nag-aya rin kasi ang bunso na si Arya, matulog na raw silang mag-Mommy 'wag ng antayin si Kuya Isagani. “Balik ka ulit sa pagtulog, hon,” saad ni Blaze. “Hindi naman okay lang. Tapos na ba kayo mag-inom?” kinukusot ka ang mata ko na tinanong siya. “Katatapos lang,” sagot nito’t bumab

