Pamela “Sandali nga Ate Aubrey. Bakit dito tayo nag-uusap sa pinto?” kapagkuwan saad ko sa kanila. Niyaya ko na silang pumasok sa loob, at ako na rin ang nagpatiunang lumakad patungong sala. Binuksan ko na muna ang television bago umupo sa pang-isahang sofa. Si Arya talaga ang sumiksik sa tabi ko hinayaan ko kasi maya’t-maya ito yumuyuko upang humalik lang sa baby bump ko. “Arya, talagang sumiksik ka pa sa, Tita Pamela, mo,” natatawa na lang ang Mommy nito at ganun din ako. “Ate, gusto na yata ng kapatid nitong bunso mo. Aba'y malaki na rin naman sundan mo na,” wika ko’t mahina pang kinurot ang sobrang puting pisngi ni Arya. “Wala eh, hindi na talaga masundan, Sis.” Tumawa na muna ito bago nagpatuloy. “Humihina na ‘ata si, Isagani, kahit na tumuwad pa ako,” aniyang kinasamid ko. Bum

