Pamela “Ma'am Pamela, kami na lang po rito,” suway sa akin nila Ate Bebeng at Ate Julieta. Nasa patio kami inilayo lang ng kaunti ang ihawan upang hindi mausok. “Inaabangan ko may maluto na isaw,” sabi ko pa kahit ako nakigaya magpaypay sa pinarikit na uling. “Kaya po pala hindi hinihiwalayan itong ihawan,” sagot pa ni Ate Julieta. Nagningas na ang apoy maya-maya lang may luto na. Kahit walang sawsawan sige lang ako sa kain nang kain kapag meron luto. “Ang dali mo lang po maglihi, Ma'am Pamela. Hindi nahirapan si Yorme,” saad ni Ate Julieta. “Mas gusto ko rin ang ganito Ate kasi ayaw ko rin naman mahirapan si Blaze, kung saan-saan ko pahahanapin ng gusto kong pagkain. Ewan ko lang sa susunod na araw kasi one week pa naman mag three months si Baby,” wika ko sabay haplos sa tiyan ko.

