Pamela Paggising ko kinaumagahan wala na si Blaze sa tabi ko. Tanghali na rin kasi malamang hindi na nakatiis ang asawa ko iwanan ako sa higaan. Natatandaan ko kanina ala-sais. Nagising ako kasi umatake ang pagduduwal ko gising kami pareho ni Blaze. Hindi ko namalayan nakatulog nga pala ako. Sinilip ko na muna ang clock sa kanang bahagi ng dingging. Shitty! Ang haba pala ng tulog ko alas-diyes na ng umaga. Baka dumating na ang Tatay Anthony at ang dalawa kong kapatid. Sa isip ng iyon bumangon ako. Mabilis akong kumilos nakalimutan ko pang buntis nga pala ako tumakbo pa ako patungo banyo, hindi naisip pwede akong madulas at nang maalala ko napatampal ako sa noo ko. Kung nandito si Blaze, sermon ang aabutin ko roon. Hindi muna ako naligo nagsipilyo at hilamos lang ako pagkatapos nagbih

