Pamela “Maraino sandali nga ha?! Sakit na ng paa ko wala ka naman nagustuhan sa bawat boutique na pinasukan natin!” “Wala kasi iyong nakita ko sa online, bakla. ‘yun dapat ang hinahap ko,” alibi lang nito sa akin. “Edi sana sa online ka na lang nag-order. Kitam ikaw Oo, pagod lang pala ang mapapala natin kasi nasa online pala ang gusto mo,” Alanganin itong ngumiti umabrasete sa braso ko. “Last na itong isang boutique nakikita ko hindi na tayo iikot,” aniya nginuso sa unahan. “Aba dapat lang. Nagutom ako sa halos lampas isang oras natin pag-iikot kahit kakain lang natin,” “Gusto mong kumain ulit, buntis?” “Hindi okay lang ako,” tanggi ko sa kanya. Dalawang kainan na kami eh busog pa ako binibiro ko lang si Marikit. “Dito tayo beks,” aniya nginuso ang boutique ng mga white dress. “B

