Pamela “Tay!” nakangiti na ako pababa pa lang ng hagdan kahit wala akong nakuha sagot galing dito. Malakas ang volume ng television sa sala. Hmp! Sino naman kaya ang nanood sobrang lakas ah. Hindi kasi makita kung sino ang nakaupo sa sofa dahil sa divider cabinet na nakaharang pinaglalagyan ng mga abubot. Sa kusina na muna ako nagtungo. Nakita ko si Prince at Patrick nasa banyo naglalaba. “Morning dalawang g'wapo,” saad ko sa kanila nilapitan ko pa. “Aba maaga tayong nagising ngayon Ate Pamela, ah!” anang ni Patrick sinilip pa ang relo sa kaniyang braso. Kahit sino naman talaga ay magtataka kasi alas-siyete pa ng umaga bumangon na ako. Kalimitan kasi ang gising ko talaga ay pinaka maaga na ang alas-nueve ngayong naglilihi pa ako. “So, si Tatay pala ang nasa sala ha dalawang itlog?”

