Pamela “Ate, kalahating kilo po sa Strawberry,” malakas kong sabi sa tinderang ayaw kumilos. “Ate, bibili po ako,” kuha ko ulit sa atensyon niya kasi nakangiti lang siya sa akin kahit pangalawa ko na itong pagsabi sa kaniya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Ano kaya ang problema ni ate? Bakit tulala narinig naman siguro niya ang boses ko?. Ayaw pa rin kaya tumikhim ako. “Ate, bibili po ako ng strawberry,” pinitik ko na ang daliri ko sa harapan ng mukha niya nakatulala lang talaga siya sa akin. Gusto kong itanong kung may dumi ba ako sa mukha subalit sinagot na nito bago pa ako sa kaniya magtanong. “Ay sorry po Ma'am. Ang ganda-ganda mo po kasi, Ma'am,” aniya ngayon lang kumilos. “Ay hala siya! Hindi naman po Ate, pero thank you na rin po,” wika ko sa kaniya. Niyaya ko si Prin

