Pamela “Bitiwan n'yo nga ako! Ano ba saan n'yo ako dadalhin?!” narinig kong reklamo ni Donna, kaya ang akma kong pagsakay sa tricycle naantala at nilingon siya. Naisip ko pang balikan ang tila nababaliw na babae. Ang tanda na nito ngunit walang pinagkatandaan. Kailangan siguro nitong bigyan muna ng leksyon para matakot at hindi na rin manggulo. “Kuya sandali lang. Saan n'yo po dadalhin ang babaeng 'yan?” tanong ko pa sa kanila. May huminto na kotse sa tabi ko ngunit hindi ko lang pinansin. “Dadalhin sa presinto, Ma'am,” sabi pa nila. “Wow! Talaga po? Goods 'yan kung gano'n,” ani ko pa. “Bitiwan n'yo ako! Anong kasalanan ko dadalhin ako sa presinto?” “Utos po ni Mr. Montelibano. Sa pagpapakalap mo ng mga maling impormasyon,” “Mabuti ‘yan mga Kuya at ng wala ang pagiging marites niy

