Pamela Apat na araw na ang nakalipas simula ng maging maayos ang problema sa kapatid ko at ngayon ay pareho na sila ni Prince at Patrick nasa boarding ko. Hindi rin ako nahirapan magpaalam sa Momhie Perla mabilis lang pumayag ng pagdating namin ng hapon sa boarding house nito. Noong una nagulat pa si Momhie Perla lalo na ng makita niyang kasama ko si Blaze. Nakatanggap pa ako ng pang-aasar galing sa kanila ni Marikit at pinaaamin pa ako kung may namumuong relasyon sa pagitan namin ni Blaze. Blaze and I don't really have a relationship, so I didn't respond to them. Sweet kumilos si Blaze. Maalalahanin. Ewan ko. Hindi ko rin maintindihan kung anong ipinahihiwatig nito sa akin. Palagi na itong nakangiti. That's all I know. Paglabas ko ng k'warto walang tao sa living room. Kanina naglilini

