Pamela Sinamahan pa talaga kami ni Blaze patungo sa bahay namin kahit anong pilit ko na ihatid lang kami ni Prince, sa parkingan malapit sa aming bahay hindi ito pumayag. “Baka kasi magtaka ang Tatay ko, Blaze," palusot ko pa sa kaniya ng akmang lalabas na ito ng sasakyan. Nauna sa labas si Prince. Pagkaayos lang ng Raptor. Dali-dali na itong bumaba kasi may nakitang kakilala nilapitan at nakipagkwentuhan. Si Kuya Leonardo rin bumaba rin bubuksan ang pinto sa side ni Blaze. “I will still accompany you, Pamela Khate.” “Sige ayaw mo papiit kapag nagalit ang Tatay ikaw ang gagantihan ko,” Ngumisi ito. “Hindi ka makalulusot kasi alam ko ayaw mo lang akong lumabas dito,” wika pa nito hindi tinigilan ang pangisi-ngisi. Binuksan ni Kuya Leonardo ang pinto sa gilid ni Blaze. Doon na rin ako

