Pamela “Mang Leonardo tayo na sa presinto,” saad dito ni Blaze nang maayos na kaming nakaupo. Para akong nabunutan ngayon ng tinik sa aking dibdib dahil nalutas agad ang problema tungkol sa kapatid ko. I still can't believe na ngayon araw din lalabas si Prince. Iba nga talaga kapag may malakas na connection at mayaman ang umasikaso. Sad reality pero malaking advantage kung sikat ka. If you're rich, igagalang ka. Kung may malakas kang connection sa government VIP treatment ang ibibigay sa 'yo. Kawawa ang mga mahihirap minsan pa nga wala naman talagang kasalanan ang biktima pero siya ang umaani ng pagdurusa dahil hindi makasabay lumaban. Dahil sa umpisa pa lang hindi pantay ang batas lalo kung walang-wala ang biktima. Kailangan na lang maging matatag sa bawat pagsubok na kinakaharap. Hin

