Pamela “Next month na tayo ikakasal at one week na lang iyon baka makalimutan mo,” paalala pa ni Blaze bago kami lumabas ng office niya. Gusto ko sana pilosopo siyang sagutin kaya lang naalala ko ako nga pala ang meron kailangan sa kaniya. Bakit naman kaya ito nagmamadali. Next week na agad may asawa na ako at topakin suplado pa. Nasa unahan ko ito kaya may pagkakataon pa akong pagmasdan siya. Pansamantala akong huminto. I watched him secretly. Ganun pa rin wala itong saklay na dala kaya mabagal maglakad. Napanguso ako kasi pinipilit agad nito gumaling animo may lakad. Hindi ba ito nasasaktan? Napansin siguro nito na tumigil ako kaya huminto ito maglakad lumingon siya sa akin. Hayun ulit salubong ang kilay. “Are you done checking on me?” “Magaling na ba talaga ang paa mo?” sincere na

