Chapter 22 – The Climb

1359 Words
Vince’s Point of View -August 1, 2021- Sa wakas ay nakalabas na rin kami sa kabihasnan at nakapasok na kami sa kagubatan papunta sa makiling at papaakyat sa bundok ko saan namin makikita ang encampment na sinasabi sa amin ng doktor. Medyo malayo pa ito dahil amin na itong lalakarin dahil sa kanilang mga ginawa upang hindi pa mahikayat ang mga masasamang loob na pumunta sa lugar na ito. Kailangan namin maglakad paakyat. Hindi naman ito problema. Kakaunti lamang ang mga infected na gumagala sa lugar na ito dahil sa nalinis na ito ng mga naninirahan sa lugar. Hindi ako sigurado sa mga sinabi kong iyan pero iyan ang aking nakalap na impormasyon mula sa kanila. Maraming puno kaya marami rin na pwede mapagtaguan ang mga infected kaya kailangan ko maging mapagmatyag kung gusto ko na mapanatiling ligtas ang aking mga kasama. Malayo layo at nakakapagod din ang paglalakbay na ito as if mayroon kaming magagawa. Kaniya kaniya kaming dala ng mga gamit at syempre naman, sa aming mga lalaki ang mga mabibigat na bagay. Ang doktor naman ang pinakamaraming dala dahil ginamit niya ang kaniyang elasticity para mas marami siyang madala na gamit. Simula ngayon ang daan ay paakyat na at ang gravity ay pababa kaya hindi magiging madali ang pag akyat. Ang van ay nakatago... pero ang sabi ng doktor ay babalikan na lang ito mamaya kapag nakita na namin ang encampment. Sa mga puno ay nakakita kami ng mga infected na may nakatarak na palaso sa mga ulo. Posible na hindi na nila ito tinanggal upang balaan ang mga tao na maglalakas loob para guluhin ang pamumuhay sa lugar na ito. Marami rami rin at kung hindi lang kakilala ng doktor ang pupuntahan namin ay kanina pa kami umatras. Nilunok ko na lang ang mga naipon na laway sa aking bibig at patuloy akong naglakad habang buhat buhat ang aking mga dala dala. Rinig na rinig ko sa kapaligiran ang mga huni ng iba’t ibang uri ng ibon at kung ano ano pang tunog ng mga hayop at insekto. Hindi na ako magtataka kung sobrang daming hayop dito dahil una pa lang ay nagsilbi ng isang forest reserve ang lugar na ito. Ibig sabihin ay hindi ito pwedeng gambalain ng mga tao. Magputol ng mga puno, manghuli at pumay ng mga hayop ay mapaparusahan ng mahabang panahon sa bilangguan. Walang nagtangka na magsalita, at naririnig ko naman ang pagkahingal ng tatlo, bukod kay Xandra na siya lamang hindi nahihirapan sa ginagawa namin ngayon. Naalala ko ang kaniyang mutation, kung saan sobrang lakas ng kaniyang mga binti. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit sisiw lang sa kaniya ito. Gustuhin ko man humingi ng kapiranggot sa kaniyang dugo ay hindi ko magagawa. Hinayaan na lang namin siya. “Malayo pa ba?” hingal na tanong ni Allen sa kaniya. “SIguro.” “Ay teh hindi ka sure?” sabat naman ni Dan. “Tahimik,” lumalim ang boses ng doktor at kahit gusto pa magreklamo ng dalawang ito ay hindi na nila nagawa. “Kung ayaw niyo ng palaso sa ulo katulad ng mga infected na ito,” dagdag pa niya. “Akala ko ba kaibigan mo sila?” si Elle naman ang nagtanong sa pagkakataon na ito. “Hindi sila sigurado na ako ang kanilang kaibigan dahil may mga kasama akong bagong mukha, kaya wag kayong magpapakita ng asta na magpapaisip sa kanila na panganib lamang ang dala sa grupo.” Walang umimik at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. “Lamig,” rinig kong bulong ni Allen, at ngayong sinabi niya na ito, ay napansin ko nga rin na lumalamig na ang lugar. Posible ito na dahil nasa mas mataas na lugar kami ngayon dapat pala nag jacket na kami. Dati kasi nakarating ako rito one time, kasama ko si Blaze... Code name niya yun. Saka hindi naman palagi malami ang klima sa lugar na ito. “Malapit na tayo,” wika ng doktor at itinaas niya ng isa niya kamay na lahad ang kaniyang palad, ibig sabihin nito ay pinapatigil niya kami sa paglakad. Sa wakas, malapit na dahil nakakaramdam na rin ako ng pagod sa pagbubuhat ng mga gamit na ito. May tinapakan siya at sa pagkagulat namin ay biglang may tali na pumitik sa kaniyang harapan at hindi nagtagal ay may lumipad na mga palaso papunta sa kaniya. Lumingon kami sa magkabilang gilid pero walang mga tao run na maaring nagbato ng palaso papunta sa kaniya. Ibig sabihin ay isa itong trap... Wala akong naalala na may trap kaming nadaanan. May guide naman kami nung mga panahon na iyon. Bakit pa ba ako nagtataka? Geez... May punto ang doktor... hindi naman maglalagay ng mga patibong ang mga tao na ito kung wala silang pinprotektahan diba. “Mag ingat kayo saka maging alerto kayo dahil sigurado ako na nakakatok na tayo sa kanilang pintuan,” pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpatuloy na kami sa paglakad. Ang doktor naman ang siyang nanguna sa amin sa daan dahil siya ang nakakaalam kung paano makita ang mga trigger sa patibong. Humahanga talaga ako sa kaniya each time na maka identify siya ng mga possible trigger sa mga traps na pwedeng pumatay sa amin. Kagaya nga ng sinabi ng doktor ay doble ingat na kami sa aming paglakad dahil ayaw ko naman na mahulog na lang ako bigla sa loob ng isang balon na punong puno ng mga spikes. Inay sobrang sakit nun, bago pa ako mamatay. Nakarinig kami ng kaluskos ng mga dahon pero hindi tumigil ang doktor sa kaniyang paglakad. Si Dan at ako naman ay nababahala dun, pero kailangan namin magtiwala sa doktor dahil hindi niya naman kami dadalhin sa aming kamatayan. Inihanda ko na ang aking sarili na itapon tong mga gamit na to patungo sa kung anuman ang tumatakot sa akin ngayon. Aw. Nabangga ko ang doktor. Hindi kasi ako tumitingin sa harapan, masyado akong naabala ng mga tunog na iyon. “Bakit po kayo tumigil?” buong galang na tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at patuloy lang ang doktor sa paglinga linga niya sa paligid na siya namang hindi ko nagets kung bakit niya iyon ginagawa. “Lumabas na kayo diyan Bob!” sigaw niya. Kami naman ay nagtataka kung nasaan ang kaniyang mga kausap, saka sino si Bob? Hindi ko naman lubusang nakilala ang mga tao rito nung huling punta ko sa lugar na ito. Maya maya ay naging mas malakas ang mga kaluskos, at ako naman ay mas nabahala at kalmado lang ang doktor sa kaniyang pagkakatayo. “Dok, muntikan ka na namin mapatay,” dinig namin ang boses ng isang lalaki sa may kalayuan. “Kahit subukin niyo pa ay hindi niyo magagawa,” mayabang na tugon naman ng doktor. Hindi talaga ito ang panahon sa mga ganiyang uri ng biro dok. Baka totohanin pa nila. Ayaw kong dumanak ang dugo. Galing sa itaas ay isa isang nagbagsakan ang mga tao na may mga pana sa kanilang likod at mga bolo na hawak hawak sa kanilang mga kamay. Senyales na handa talaga silang pumatay. Maigi na lang ay kakilala ng doktor ang mga ito dahil hindi sila magandang makaharap. Mahirap din labanan ang mga tao kumpara sa mga infected dahil higit na mas matalino pa sila kesa sa mga infected na nakakaharap ko. Yung nakaharap kong matalino... Walang wala pa iyon sa level ng mga tao. Speaking of that infected. Hindi ko pa nasasabi sa doktor ang tungkol doon. Kailangan ko talaga na makahanap ng pagkakataon para makausap ang doktor dahil nakakabahala iyon. “Bakit kayo naparito?” tanong nung lalaki na may makapal na bigote. “Si Makarov,” tipid na pagkakasabi naman ng doktor. “Kumilos nanaman siya?” tanong nung lalaking may makapal na bigote. “Oo, at sa pagkakataong ito ay mas delikado na siya,” wika ng doktor. “Kung pwede ay pagtaguin niyo muna kami rito ng mga ilang araw, aalis din kami agad,” dagdag pa niya at ang tono ng kaniyang pananalita ngayon ay talagang nakikiusap na. “Kahit habang buhay pa kayo rito magtago kapatid,” masayang pagkakasabi niya at biglang niyakap ang doktor. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD