Chapter 21 - Nightmare

1539 Words
Elle’s Point of View -August 1, 2024- There is this thing we call boundary, and each of us has our own. Most of us are afraid to cross that boundary, and we only stay on our side. We fear the unknown because we don’t know if there is something to step on the dusk void that awaits us on the other side. Takot tayo mahulog e, such as the nature of human. But there are still who are brave enough to step on the other side and they fell on a clip so they suffer the consequence of holding still, and it is up to them if they will jump on the other side or will climb back and will live in fear. Halos magdadalawang araw na kaming bumabyahe, at wala kaming tigil... ang dahilan naman nila ay dahil mahahabol raw kami nung mga taong nagtangka na patayin kami. Tumitigil lang kami kada paubos na ang gasolina sa van... paano ba naman tatakbo ang sasakyan kung wala nga naman itong gasolina. Kalagitnaan na ng gabi ngayon, at kung tama ako ay nakapasok na kami ng Laguna galing Alabang. Kung tama ako ay sa Biñan ang aming bagsak. Sa pagkakaalam ko ay ilang oras na lang bago namin marating ang Calamba kung naasan ang Makiling Forest Reserve. Nasa tuktok ngayon ang buwan sa madilim na kalangitan na punong puno ng mga kumikinang bituin, si Dan ang nag dadrive ngayon para naman makapag pahinga yung dalawang lalaki na palaging nag mamaneho para sa amin. Mga tulog sila ngayon kaya umiiwas ako na makipag usap sa madaldal na babaitang to. Nakatingin ako sa kalangitan ngayon pinagmamasdan ang kagandahan ng kalangitan. Mahimbing ang kanilang pagkakatulog at nakasandal ang aking ulo sa bintana ng van, at nakikita ko ang mga kabahayan na naiimagine ko na punong puno ng mga tao dati. Kahit wala akong nahahawakan na mga tao ay kaya kong maimagine ang past. Siguro kaya ganun ang naging mutation ko. Napapaisip na lang talaga ako minsan kung bakit ganito ang aking naging kakayanan. Siguro dahil hindi ko kayang pakawalan ang aking nakaraan. Maari na ganun nga ang nangyayari pero kailangan ko mag let go. Maya maya ay para akong nahyhypnotize sa gumagalaw na tanawin, at naramdaman ko ang pag bigat ng aking mga mata. Hindi ko na kayang pigilan pa at ipinikit ko ang aking mga mata... .               .               .               .               .               .               .               .               .               . “Hey,” I felt someone shaking my shoulder trying to wake me up and I slightly opened my eyes and take a glimpse on who is that person. I saw Xandra-chan. I groaned a little because my head feels heavy, gusto ko pang matulog. “Yow?” Umayos naman ako ng pagkakaupo at napansin ko naman na nakatigil ang van, at ang mas nakakapagtaka pa ay walang tao sa loob. “Where is everybody Xandra-chan?” I asked her and she looks afraid. Why? “May nangyari ba, habang tulog ako?” tanong ko sa kaniya. She shakes her head slowly, and I can tell that she is hiding something. “O- outside,” utal na pagkakasabi niya. Nalilito na ako sa mga kinikilos niya ha. Humawak ako sa handle bar sa may tuktok ng van para makatayo ako ng ayos at I did not hesitate to go outside of the van. So much for being in hurry. I opened the sliding door of the van after I unlocked it. Medyo mabigat dahil sa modification na kanilang nilagay. Hindi ako makapaniwala na si Xandra-chan ang gumawa nito despite of her childish actions. She has some skills. Itinapak ko ang aking mga paa sa kalsada at lumabas ako. Sa dami daming lugar na pwedeng pag parkingan, dito pa talaga sa sobrang open. Luminga linga ako at wala namang mga infected dito which is very strange. Nasa dati pa naman kaming lugar nung nagkatulog ako, kaya I assume na tumigil sila after I fell asleep. Naglakad lakad ako ngunit nakaramdam ako ng basa, sa aking sapatos kaya agad akong tumungo para malaman kung ano ang aking nata- Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na kulay pulang malapot ang natapakan ko... dugo... pero wala naman akong nakita kanina. Dala lang siguro ng antok. Nagulat lang ako ng bahagya, sa aking nasaksihan. Parang di ako nakakakita ng dugo araw-araw. Nagtuloy tuloy ako at bago pa man ako maka hakbang ay may nasagi na kaagad ang aking paa. Ano nanaman ng- Katawan ni Dan... Kaagad akong napaatras nang makita ko ang kaniyang mukha, ang kaniyang mga mata ay puting puti at punong puno siya ng sugat. “AHH!” napasigaw ako ng may nahulog sa likod ko at sa pagkakataon namang ito ay nawalan ako ng balanse at natumba ako sa kalsada. Instead of falling into something hard, nahulog ako sa lawa ng dugo, malansa ito at sobrang lapot. Iniangat ko ang aking mga kamay at itinulak ang dugo palayo sa akin, takot ang nararamdaman ko ngayon. Tumayo ako nagsimula akong tumakbo, hanggang sa makarinig ako ng mga ungol at nagtaka naman ako kung saan nanggagaling yun. Hanggang sa may sumulpot na mga kamay mula sa ilallim ng dugo at umiwas naman ako sa mga run, dahil sinusubokan nila na maabot ako. Hanggang sa makakakita ako ng isang anyong lupa sa may kalayuan kaya sobrang binilisan ko ang aking pagtakbo. Ngunit mas tumindi ang takot sa aking dibdib nang makita ko ang mga kamay na sumusulpot sa lawa ng dugo na ito, ay patuloy na dumarami at mas kumakalat sila. Habang papalapit ako sa kaligtasan na aking nakikita ngayon ay patuloy silang dumarami kaya hindi maiwasan na mahawakan nila ako at kagaya ng aking inaasahan ay sinusubukan nilang hilahin ako pababa. Ngunit nag pumiglas ako at kaagad napuputol ang mga kamay pero kahit walang utak na nagpapatakbo sa kanila ay may sarili pa rin silang buhay kaya, kahit sobrang kaba ay nagpakatapang ako at hinila ko isa isa ang mga kamay na gumagapang papunta sa  aking mukha at itinatapon ko ito palayo. Ngunit walang tigil ang kanilang pagdating. Nararamdaman ko ang pagtulo ng aking luha. Tulong. Vince... I need you right now. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit ang mukha ng mga tao na dahilan kung bakit ako nabubuhay, nakaramdam ako ng unting lakas. Ganun pa rin ang aking nararamdaman ngunit may tapang na ako ngayon. Hindi ako pumayag na hilahin nila ako pababa sa dagat ng dugo. Tumakbo pa ako ng mas mabilis at nagiging matagumpay naman ako para hindi nila ako mahila. Hanggang sa makalapit ako sa anyong lupa na aking pupuntahan ngunit imbes na lupa ang aking makita ito ay kumpol ng mga bangkay at mataas ito. Weird, nawala ang mga kamay. Pero may tao sa taas. Pinaningkitan ko ito ng mata para makita ko kung sino ito. Humihikbi ito, base sa nakikita ko sa kaniyang balikat. Yung buhok, na naka curly tie. Si Xandra, siya lamang ang nagtatali ng ganiyan sa amin. “Xandra-chan!” tawag ko sa kaniya. Pero hindi niya ako narinig. “Xandra!!” buong lakas na sigaw ko. Napatigil naman siya ng saglit. Mukhang narinig na niya ako at nagpatuloy siya sa paghikbi at ibinaba niya ang kaniyang kamay at unti unti siyang tumingin sa akin. Pero bago pa man ako makapagsalita pa ay may itinuro siya. For some reason nang tumuro siya ay nakaramdam ako ng sobrang tindi na kaba sa aking dibdib at mukhan hindi ko magalaw ang aking mga paa at kahit gustuhin ko man na lingunin ito ay hindi ko magawa. May isang malaking anino na tumayo sa aking likod, and I heard a growl. Muling bumilis ang pagtibok ng aking puso. Hindi ko alam. Sobrang gulo na ng isip ko ngayon at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Pero pinilit ko pa rin na lingunin, para makita ko kung ano ito, kahit na pinipigilan ako ngayon ng aking matinding pagkatakot. Ngunit nakakita ako ng kung anong malaki sa aking likuran. Mukhang magsisisi ako kapag nakita ko kung ano ito pero hindi na ako pwede tumigil ngayon. ... Isang halimaw, mabalbon ito at parang isang galit na aso pero kuneho... Tila ba ay gutom na gutom ito base sa pagkakatingin niya sa akin. It growled at me at ramdam na ramdam ko ang pagtalsik ng laway papunta sa akin at ang tanging nagawa ko lamang ay mapapikit at iiwas ang aking bibig para hindi matalsikan ng kaniyang laway. Pero tumindi ang kaba nang may humawak sa magkabilang gilid ng aking kamay at sinubukan ko naman itong hilahin para ako ay makatakas ngunit mas malakas sila sa akin at wala akong magawa. Hinihila nila ako pababa hanggang sa mapaluhod at patuloy pa rin ang pag sigaw sa akin ng halimaw na ito. Humigop ako ng hangin hanggang sa... Mabaon ako sa dagat sa dugo... Nanlaki ang aking mga mata bago ako tuluyang malubog. .               .               .               .               .               .               .               .               .               . Agad ko iminulat ang aking mga mata at habol na habol ako sa aking paghinga at nakita ko ang aking sarili sa loob ng van at tumatakbo pa rin ito at nakita ko naman sila na mahimbing pa rin sa pagkakatulog at si Xandra naman ay nakasandal sa akin. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD