bc

Caged Heart

book_age18+
30.9K
FOLLOW
189.4K
READ
billionaire
possessive
arrogant
badboy
sweet
bxg
mystery
office/work place
like
intro-logo
Blurb

This is short novel of Oliver Montejo and Melody Palma.

She’s my key. My Melody.

Written by: Gianna

Short story only.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 MELODY “SABI ko naman sa ‘yo tigilan mo na ‘yong lalaking iyon. Ilang beses kitang pinagsabihan dyan. Pagtuunan mo muna ng pansin ang pag-aaral mo bago ang mag-boyfriend. Kita mo ngayon ang ginagawa mo? Sa tingin mo, ikagaganda mo ‘yan?” Humalukipkip ako, habang pagod na pinagmamasdan ang nakababata kong kapatid na si Paula. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapatahan nang hindi binubulyawan ang kapatid kong naloloko sa lalaki. Hindi kasi ito ang unang beses na ma-heartbroken, ako na nga ang napapagod sa kakapayo sa kanya na huminahon at mag-focus sa pag-aaral. She’s a graduating student, ilang buwan na lang at tatanggapin na nito ang kanyang diploma sa kolehiyo. At kung papalarin ay makapagtrabaho na rin. Hindi kaya biro ang sakripisyong ginawa ng Tatay namin para makapagtapos kaming dalawa. I graduated with flying colours, para naman matuwa at mapasaya ko si Tatay na nasa Dubai at nagpapakahirap sa pagtatrabaho para sa aming magkapatid. Hindi naman kami ganoon kayaman, pero nakakaluwag din.            Bumuntong hininga ako at hinatak ang kumot na pinagtabing niya sa ulo. “Tama na ‘yan. Kumain ka na at---ano ‘yan..?” namilog ang mga mata ko nang makita ang isang pulang marka sa leeg ng kapatid ko. Bumilis ang t***k ng puso ko kasabay ng pagbuhay ng init sa mukha ko. I couldn’t be innocent, that was the same mark that I saw from my officemate na si Olga. She said, gawa raw iyon ng boyfriend niya kapag nagsese-- natuptop ang aking labi at tila nagkukulang na ako sa hangin.. Bahagyang tumahan si Paula at umayos ng upo. Pahaklit niyang kinuha sa akin ang kumot para itakip sa kanyang ulo. “Sinong may gawa n’yan? Saan mo iyan nakuha?” Hindi niya ako sinagot at lumakas pa ang pagpalahaw ng kapatid ko. Mabigat akong bumuntong hininga at tila mauubusan ng hangin sa baga.         Huwag mong sabihing..nagpagalaw siya sa lalaking iniiyakan niya?            Nagbabagang mga mata ang ginapos ko sa kanya, “Bakit mo nagawa iyan Paula? Bakit--bakit ka nagpabaya?” napahawak ako sa aking noo na para bang katapusan na ng buhay ko. “Hindi mo man lang ginalang si Tatay..” I almost broke my voice. Pero mas nahalinhinan ako ng galit sa dibdib. Nagpupuyos ang kalooban ko! Sa kapatid at sa tarantadong lalaking nang-iwan dito matapos makuha ang p********e niya.  “A-Ate..m-mahal ko siya! Mahal na mahal ko si Oliver..” She said that like she’s begging. Na para bang hinihingi niya lang ang lalaking iyon sa akin. Nilapitan ko ang kapatid ko at sinugod ng yakap. Nasasaktan ako para sa kanya. Pakiramdam ko na naman ay pinabayaan ko siya at hinayaang tunguhin ang baluktot na landas. Maybe I failed to be a rolemodel to my sister. Maybe I didn’t reprimand her enough to avoid temptation. Or maybe, that tarantado man seduced her and then broke her heart. ****           BUMABA ako ng taxi at malalaking hakbang ang ginawa ko upang marating ang opisina ng tarantadong lalaki na iyon. Naghalf-day pa ako sa trabaho para ipaghiganti ang pagwawalang bahala niya sa kapatid ko. Kagabi ay sinubukan naming tawagin pero pinapatayan kami sa cellphone. Mas lalo niya lang inuukit sa akin ang tanim ng galit sa dibdib ko. Hindi ako makapapayag na maagrabyado ang kapatid ko!            Pagkapasok ko sa loob ng building ay dumeretso agad ako sa Information desk, napatingin sa akin ang matangkad na lalaking kumakausap sa lalaking receptionist. Bahagyang nabahag ang buntot ko nang pagtuunan nila ako ng pansin lalo pa at kapansin-pansin ang lalaking katabi ang taglay niyang kagwapuhan. He’s wearing a black corporate suit na tila inaamo ang kakisigan niya. Tumikhim ako. I tried my best to divert my attention from the man beside me. Sana lang ay wala akong dumi sa mukha. Pabuka na ang bibig ko para kausapin ang receptionist nang dagli niyang nilipat ang atensyon kay gorgeous guy. Napahiya ako do’n ako ah!  “Sir Dale, pababa na rin po---” “I’m fine. Talk to the lady here..” turo niya sa akin. Ginapangan ako ng kaba at hiya nang pansinin niya ako, pinauna pa! I cleared my throat again, “I’m looking for Oliver Montejo.” matatas kong banggit sa pangalan no’ng tarantado. Sa gilid ko’y, napansin ko ang pagtigil no’ng lalaking matangkad at mabango. “Do you have an appointment miss?” Receptionist asked.  “Wala akong appointment, dahil biglaan ang pagparito ko, pero importante.” Bumagsak ang balikat ng receptionist. “I’m sorry miss, but we can’t let you see our CEO, if you don’t have any scheduled visit. Kung gusto nyo po ay iwan mo na lang pangalan mo at ipapadala namin kay Mr. Montejo.”  Naningkit bigla ang mga mata ko sa lalaki. “Importante ang pinunta ko rito Sir, ang layo pa ng biniyahe ko para makausap ang tarantado ninyong boss!” I stop and sigh. “Kaya ipasabi mo sa kanya na nandito ang ‘Ate’ ng babaeng kinagat n’ya ang leeg!” pinilit kong hinaan ang boses ko pero, ang pagpupuyos ng galit sa dibdib ko ay gumagapang at kumakalat sa isip ko. Lalo pa tuwing naiisip ang kapatid ko. The boy infront me halted, malalaking mata ang dala nang nilipat ang tingin sa katabi ko. Pareho silang natigilan at tila naeskandalo sa tinig ko. I calmed and composed myself. Napapikit ako at napahilot sa sintido. Hindi pala dapat ako maglabas ng ganitong pag-uugali at baka hindi ako papasukin. Hindi naman sinabi sa akin ni Paula na big time pala ang tarantadong iyon. I was not prepared. Ang tanging baon ko lang ay paghihiganti! Dammit! Ngunit napadilat ako nang marinig ang mahinang pagtawa no’ng lalaking matangkad at mabango. Nagtama ang mga mata namin at tila amused na pinagmamasdan ako.  Napaayos ako ng tayo at tumikhim.  “Hindi ko nabalitaan na nangangagat na pala iyon. No doubt, he’s an asshole.” Sabi n’ya na tila pagsang-ayon sa akin. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay para akong nakapatagpo ng kakampi sa taong ito na ngayon ko lamang nakita. Siguro ay kilala niya ang hinahanap ko.  Lumingon ang lalaki nang tumunog ang elevator. Hinintay nitong makalabas ang grupo ng mga lalaking naka-corporate suit tulad niya. Akma siyang kakausapin no’ng receptionist pero tinaas niya ang kanang kamay upang mapahinto ito. Nilingon niya ako ulit at binigyan ng ngisi, ang kamay niyang nakataas ay ginamit na panturo roon sa limang lalaking kabababa lamang. “Ayun ang hinahanap mo. Iyong nasa gitna..” Panandalian akong natigalgal at natigilan. Ngunit madali akong nakabawi at sinundan ng tingin ang hintuturo niyang umaagapay sa akin upang makita ang hinahanap. Sa limang lalaking iyon, apat ang alam kong hindi magugustuhan ni Paula. Ang lalaking matangkad, malapad ang dibdib at may hakab na damit ang aking unang napansin. Siya ang nasa gitna na tila masungit na nakikinig sa katabing kumakausap dito. Nagkuyom ang kamao ko at humigpit ang hawak ko sa aking bag. Batid kong kalolokohan talaga ng kapatid ko ito dahil sa taglay na lakas ng appeal.  He really looked like a playboy. Iyong nagpapaiyak lamang. Humakbang ako papalapit sa mga kalalakihang iyon. Narinig ko pa ang pahabol na pag-cheer sa akin ng lalaking katabi ko kanina. Bawat hakbang ay baon ko ang puyos ng damdamin. Ito man ang unang pagkakataon na haharapin ko ang lalaking dumaan sa kapatid ko’y hindi ko maitatago ang lukob ng galit para dito. Pinagtuon siya ng pagmamahal ng kapatid ko tapos, lolokohin at kakagatin niya lang?  Matalim ko itong tinitigan, agad kong nahanap ang mga mata niya at nagtama ang aming mga paningin. Muntik pa akong mapaatras nang igawad niya sa akin ang tingin na iyon. Huminto ako sa kanyang harap kung kaya napatigil din ang grupo nila. Walang buhay niya akong tinitigan. “Ikaw ba si Oliver Montejo?” Natigilan sa pagsasalita ang mga lalaki at tila nagulat sa matigas kong boses. “Who are you?”  I scoffed. Napabaling ako sa paligid dahil sa kakaibang kabang yumakap sa akin. His aura was too heavy to handle, his baritone voice was too intimidating!  Binalik kong muli ang matalim kong mga mata sa kanya, pinasadahan naman n’ya ako ng tingin Para akong nanlamig. “May kilala ka bang Paula Palma? Iyong babaeng pinaasa, pinaiyak at kinagat ang leeg?” Sumagitsit na ang galit ko sa dibdib. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga lalaking kasama niya. Unti-unti na ring napapahinto ang mga taong tila nakikiusyoso. But he only just tilted his head at me. Pumamulsa pa siya at tila na-amuse pa!  The f**k? “Pamilyar nga sa’kin ang pangalan na ‘yan..but I can’t remember.” He bluntly said. Tila mas lalo nitong pinigtas ang pagtitimpi ko! Mas bumilis ang paghinga ko dahil sa galit! Nagawa pa niyang magtaas ng kilay sa akin! Kung kaya binagsak ko ang hawak kong bag at kinuyom ang aking kamao. Tumingkayad ako at inundayan ng suntok ang nguso niya!  Malalakas na singhapan ang aking narinig, napahawak ako sa kamaong ginamit ko. Pero kita ko naman na nasaktan ang damuhong ito dahil napaatras siya at napamura.  “Walanghiya kang tarantado ka! Pagkatapos mong kagatin sa leeg ang kapatid ay saka mo lang itatapon na parang basura!” Hindi pa ako nakuntento, inundayan ko siya ng tadyak sa kanyang binti kung kaya’t ang nguso niya at mahabang binti ang iininda niya ang sakit. Agad akong pinigilan ng dalawang lalaking kasama at hinawakan ako sa aking braso. “Don’t touch her!”  Natigilan ako sa tila kulog na boses na iyon.  “Pero Oliver, bayolente ang babaeng ito!”  Hindi napigilang titigan ang lalaking hinihimas ang bibig at binti niya ng sabay habang masamang tinitigan ang lalaking humawak sa akin. “Akin siya.” He grimly said.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.4K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

His Cheating Heart

read
41.2K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.1K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook