Chapter 1- Fiesta
Araw ng pagsasanay at nasa covered si Anastasia para pamunuan ang binuong banda ng kaniyang dating paaralan. Siya ang hinirang na Band Captain, kaya naman kargo niya ang pag eensayo para sa kanilang gagawing exhibition sa fiesta.
Anastasia
guys! ready na practice na ulit tayo para makauwi na kayo at makapag pahinga
Agad namang tumalima ang kaniyang mga kasamahan at nagsikuha nang kanilang mga gamit panugtog at pangsayaw. Nagsimula na ang kanilang ensayo sa malamyos ngunit umalingangaw na musika na nag mumula sa kanilang mga instrumento. Umabot ng 30 minuto ang kanilang pag eensayo at saka pa lamang ito pinahinto ni Anastasia upang makapagpahinga at pulungin ang kaniyang miyembro.
Tristan
Cap! wala napo ba tayong idadagdag na music natin?
Anastasia
Wala na Tristan kung ano ang tinuro sa atin noon ng trainor natin ay yoon lang din, hindi rin ako marunong lalo sa drums kaya yon lang, okay naman eh maganda naman diba.
Tristan
Sabagay cap, pwede na rin.
Jerald
Ano oras po ulit ang practice bukas cap?
Anastasia
katulad padin ng dati 9am ang start 11:30 uwi 1pm nag balik at 5pm na ang uwian para pulido natin ang bawat music at sayaw. Maliwanag ba tayo?
"Yes Cap! " sabay na ani ng mga kasama ni Anastasia
Pauwi na ang lahat ngunit nahuli si Anastasia upang linisin ang mga naiwang gamit at kalat ng kaniyang mga kasama.Pasado 6pm na nang matapos siya at makauwi sa kanilang bahay.
"Hi mama" bati ni Anastasia kaniyang ina na nagluluto ng kanilang hapunan.
Oh, kamusta practice ninyo? okay ba?. Tanong ng kaninyang ina.
Hay, naku ma nakakapagod pero kakayanin sayang naman eh minsan sa isang taon nalang kami mag perform tapos last year kona ‘to kaya susulitin ko na. Ani ni Anastasia sa tanong ng kaniyang ina.
O siya sige mag shower at kakain na tayo, nga pala anak dadating ang kinakapatid mo si Dexter magbabakasyon daw at dito muna tutloy. Sabi ng kaniyang Ina.
Kumunot ang noo ni Anastasia sa kaniyang narinig dahil kilala niya ang Dexter na sinasabi ng mama niya, walang iba kundi ang ang kababata niya na laging nang aaway sakaniya. Well hindi naman sila mag edad,mas matanda ng 3 taon si Dexter.
“Po? si Dexter, yung laging nang aaway sa akin nong bata ako, bakit dito pa mama". Naiinis na sabi ni Anastasia sa kaniyang Ina.
Anak, alam mo naman na walang matutulyan yung tao, galing pa yon ng Australia at lahat ng relatives niya eh wala narin dito. Tayo nalang yung malapit na kakilala tsaka inaak namin ng papa mo yon at kinakapatid mo. Kalimutan mo nalang yung mga away n'yo noong bata pa kayo at matagal na iyon mga binata at dalaga na kayo ngayon. Mahabang litanya ng kaniyang ina sakanya.
Inis na umalis at dumiretso sa kaniyang silid si Anastasia, iisipin pa lamang niya ang pagdating ni Dexter ay nagagalit na siya. Sampung taon na nakalipas nang huling magtagpo ang kanilang landas at hindi na niya alam ang itsura nito. Sinubukan niya itong hanapin sa social media noon pero bigo siya.