TBW SERIES1: NINETEEN

869 Words
Sa isang liblib na lugar sila nakarating,napapalibutan ng nagtataasan mga puno ang paligid at naliliwanagan lamang sila ng buwan na sapat para magkakitaan sila. "Nasa loob ng kweba si Ate Amelia," si Erin. Bago pa man sila makalapit sa b****a ng kweba may isang bulto na humarang sa kanila. "Ano'ng ginagawa ng tao yan rito?" mabagsik na bungad ni Debbie. Agad na pumagitan si Veron na nakapagpalit na sa anyo tao.Tulad ng sabi ni Amelia lagi may nakareserba damit ang mga ito kahit saan panig ng gubat kaya nakapagbihis na ulit ito. "Kailangan siya ni Ate Amelia,Ate Debbie," mariin na sabi nito sa nakakatandang kapatid. "Nababaliw na ba kayo? Ano bang sinabi niya sa atin,hindi na niya kailangan masangkot rito?" matalim ang mga mata bumaling sa kanya ang babae. "Hayaan mo na ko makita si Amelia,I want to help her," buong tapang niya hinarap ang babae. Hindi siya natinag ng dambahin siya nito. "Ate Debbie!" sabay-sabay na sambit ng magkakapatid sa tinuran ng nakakatanda kapatid. Tangka susugurin ng isa ang babae ng maagap niya ito tinutulan. "Huwag,ayokong mag-away-away kayo magkakapatid,okay lang ako," aniya at buo tapang na nakipagtitigan rito. "Alam kong may galit ka sa isang tulad ko,pero kaya kong patunayan sa inyo na mahalaga sa akin si Amelia...I love her," sinsero niya anas kahit halos nahihirapan na siya huminga. Nanatili madilim at mapanganib ang mga tingin nito at lalo idinidiin ang pagkakadaiti ng isang braso nito sa leeg niya. "Alam mo ba kung ano sinasabi mo? Mahal mo siya? Baka naman sinasabi mo lang yan dahiL sa utang na loob?"mabangis nito angil sa kanya. " Magkaiba ang pagtanaw ng utang na loob sa pagmamahal,Debbie.."aniya at nakipagtagisan ng titig rito.Gusto niya ipakita rito na seryoso siya sa mga salita sinasabi niya. Hindi na natuloy ang dapat na sasabihin pa nito ng umalingawngaw ang nakakakilabot na alulong kasabay na tila may naghihila ng kadena. Bigla siya nakaramdam ng kaba at pag-aalala.Sana lang mali ang nasa isip niya. "Ate Debbie,hayaan mo na siya,alam na ni Ate Debbie na nandito siya," si Erin na kumapit sa braso ng kapatid. "Hayaan mo ng patunayan ni Kuya Dave sa atin at Kay Ate Amelia ang intensyon niya,Ate Debbie,alam mo siya ang itinakda para Kay Ate Amelia at sa bagay na iyun wala tayo dapat gawin kundi hayaan na maganap ang dapat na mangyari sa kanila ni Ate Amelia," si Veron,sa seryoso pananalita. Hindi kaagad-agad na bumitaw sa kanya si Debbie.Mabalasik ang mga mata nito na unting-unti humiwalay sa kanya. "Kaya kitang patayin kapag sinaktan mo siya," anito at nagpalit ng anyo bilang lobo at tumakbo palayo sa kweba. "Okay ka lang,Kuya Dave?" puno ng pag-aalala dinaluhan siya ni Gabbie. "I'm okay,don't worry about me," aniya at magaan na niyakap ang dalaga. "Mabuti pang puntahan mo na siya,Kuya Dave.." si Veron. Tumango siya rito.Bago pa man siya makahakbang muli nagsalita ang huli. "Uhm,Kuya Dave...alam mo ba ang gagawin mo?"bigla naalangan nito sabi. Damn,yeah,ano nga ba gagawin niya? Alanganin ito ngumiti.Bago pa man ito makapagsalita naunahan na ito ni Senneth. "Kailangan niyo maging isa,ibig sabihin,ang pag-iisa ng inyo katawan,o tawag sa mundo niyo ay ang pagtatalik,"deretsahan nito saad. Hindi niya napaghandaan iyun.Bumadha ang pagkabigla sa mukha niya at pagkapahiya. "Iyun ang ritwal na dapat maganap sa pagitan niyo ni Ate Amelia dahil ikaw ang nakatakda sa kanya," si Veron. Tumango-tango naman ang dalawa pa para konpirmahin ang sinabi nito. "Ang ibig mo bang sabihin ako ang lalaki na magsasakatuparan sa ritwal na iyun?"logical niya sabi. "Yes,lahat kami magkakapatid ay may kanya-kanya rin nakatakda pero si Ate Amelia ang unang nakatagpo sa lalaking itinakda para sa kanya at ikaw yun,Kuya Dave.." si Erin. Iyun ang sagot sa tanong niya tungkol sa itinakda na iniwasan sagutin ni Amelia dahil ayaw nito masangkot pa siya roon. "Bakit hindi ito sinasabi ng Ate Amelia niyo sa akin?" "DahiL si Ate Amelia ay naniniwala sa pag-ibig,kunbaga gusto niya maisakatuparan ang ritwal na may kasama pagmamahal,"sagot ni Veron. " But I love her,"anas niya. "Iyun ang hindi niya alam kaya sinolo niya kaharapin ang ritwal ng mag-isa," anito. "Mabuti pa pasukin mo na siya,Kuya Dave.."nakangisi sabi ni Erin. Pag-angil ang naging reaksyon ng pinakatahimik sa magkakapatid na si Senneth.Napahagikhik naman ang bunso.Kahit siya ay naisip agad ang kung ano man ibang pakahulugan ng sinabi nito. "What?," painosente nito sabi. "Sige na,Kuya Dave.."nakangiti sabi ni Veron." Ito ang susi,uhm,kailangan kasi siya ikadena sa kagustuhan na din niya para hindi ka niya puntahan sa silid mo sa pangamba niya na mawalan siya ng kontrol sa sarili at puntahan ka para maisakatuparan lang ang ritual,"anang nito. "At Kuya Dave,sa oras na maging isa ang inyo katawan hindi ka na makakawala pa sa sumpa," dagdag nito. "Sumpa talaga,Ate V? " natatawang untag ni Erin. Natawa naman ito."I mean,mahal mo naman si Ate Eh,kaya ang tawag na dun panghabang-buhay ka na sa piling niya,.alam ko gusto mo rin yun,Kuya Dave.."anito. Tinanguan niya ito."Yes,mamahalin ko siya higit pa sa buhay ko ngayon,"puno ng konbiksyon niya sagot. "Pasiyahin mo si Ate Amelia para sa amin,Kuya Dave.." anang ni Veron.Tinanguan niya ang bawat isa na tutuparin niya iyun. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras agad na tinahak ang daan patungo sa babae na gusto niya makasama pang habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD