Napamulat ng mga mata si Dave ng maalipungatan siya. May nauulinigan siya mula sa malayo sa ibabaw ng katahimikan ng gabi.Nilingon niya ang digital clock sa side table.Pasado alas dose pa lang ng hatinggabi.
Pinakiramdaman niya ang katahimikan ng gabi.
Bumangon siya at tinungo ang nakabukas na balkonahe.Agad na sumalubong sa kanya ang liwanag ng buwan.Bilog na bilog ang buwan ng tiningalain niya ito.
Nangunot ang noo niya ng marinig niya muli ang weird na ingay na iyun.Sa ilang gabi nagdaan ngayon lang siya may narinig na kakaiba.Something went wrong. Tila bang isang hayop na nahihirapan?
Hindi na siya magtataka na may mga hayop o ingay mula sa mga iyun dahil nasa kagubatan nakatayo ang bahay na ito.
Napabuga siya ng hangin.Alam niyang hindi na siya makakabalik muli sa pagtulog kaya naisipan na muna niyang bumaba para magtimpla ng tsaa na ngayon ay kinaaadikan na niyang inumin na dati naman ay hindi siya mahilig dun dahil sa lasa pero kakaiba ang Rose Tea ni Gabbie.Namamangha siya sa lasa niyun.
May ilaw ang salas kaya hindi na niya kailangan mangapa sa dilim.Papasok na siya ng kusina ng may maulinigan siya nag-uusap doon.Gising pa ang magkakapatid?
Nahinto siya sa paghakbang papasok roon ng may magsalita muli.
"Bakit hindi na lang natin kausapin si Kuya Dave? Baka hindi kayanin ni Ate Amelia,naaawa na ko sa kanya," puno ng pag-aalala sabi ni Gabbie.
"Si Ate Amelia ay may gusto nito,Gabbie,sa tingin ko naman kakayanin niya,ayaw lang niya maobliga si Kuya Dave sa bagay na ito.." sagot ni Erin.
"Sa oras na pumayag siya,hindi na siya maaari lumayo Kay Ate Amelia dahil magkarugtong na ang kanilang buhay sakali naisagawa na ritual na iyun," ani ni Senneth.
"And worst baka mapilitan lang siya dahiL nga naman utang niya ang buhay Kay Ate Amelia at malaki ang kapalit nun para Kay Kuya Dave,hindi na siya makakawala pa," si Veron na seryoso na rin ng mga oras iyun.
Wala na muling nagsalita at tangi kabog ng dibdib niya ang naririnig niya.
"Kuya Dave?" bigla pagsulpot ni Gabbie sa harapan niya.
"K-kanina pa po ba kayo dito?"
"Gusto ko makita ang Ate Amelia niyo."
Nasa harapan na rin niya ang ibang mga kapatid nito.
"Uhm,Kuya Dave kasi-"
"Narinig ko ang pinag-uusapan niyo,is she's okay? May kinalaman ba ko kung bakit wala siya rito,tell me?" puno ng awtoridad niyang sabi.Hindi na niya inalala pa na maging bossy sa mga ito.
"She's not okay,and yes,that is because of you,"pagtugon ni Senneth.Malamig ang tingin na pinukol nito sa kanya,her cold silver eyes.
Kung ibang tao lang ang makikipagtitigan rito malamang nangilabot na iyun dahil sa weird na mga mata nito.
"Kung ganun may karapatan akong malaman kung ano nangyayari sa kanya,tell me where is she now? I want to see her," kuyom ang mga palad niyang turan.
"Pero Kuya Dave hindi gugustuhin ni Ate Amelia masangkot ka rito,baka hindi niya kami mapatawad kapag sinuway namin siya," puno ng pag-aalala turan ni Gabbie.
Umusbong ang inis sa dibdib ng binata."Why not? Let me help her kung ako ang makakatulong sa kanya kung ano man ang problema niya...just please let me see her,"nagsusumamo na niyang sabi sa magkakapatid.
Desperado na siyang makita si Amelia. Darn,he want to see her.
"Ikaw taLaga ang makakatulong kay Ate Amelia..ang ritual," si Veron.
"Ate Veron,bakit mo ba sinasabi sa kanya?" palag ni Senneth.
"Sen,look...palagi na lang iniisip ni Ate Amelia ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya," baling nito sa kapatid at muli humarap sa kanya.Ibang Veron ang nasa harapan niya ngayon.Hindi niya aakalain na playful at pilya si Veron ay kayang maging seryoso at mapanganib na nilalang.
"Oras na para tayo naman ang gumawa ng ikaliligaya ni Ate Amelia at ikaw,Kuya Dave ang kailangan niya," puno ng kaseryusohan nitong dagdag.
"Hayaan niyo kong tulungan ang Ate Amelia niyo...Mahal ko ang Ate Amelia niyo,ganun man kabilis ko naramdaman yun pero ngayon lang ako nagmahal sa isang babae sa buong buhay ko."
"Kung ganun,mali pala ang akala ni Ate Amelia," makahulugan tugon ni Veron na ngayon ay nakangisi na.
"Dalhin na natin si Kuya Dave Kay Ate Amelia," si Erin.
"Paano niyo ito ipapaliwanag Kay Ate Debbie?" si Senneth.
Nagkibit-balikat si Veron rito.
"May choice ba siya? Ang Ate natin ang pinag-uusapan dito," anito.
"Hindi naman kailangan mag-away-away tayo,I'm sure ate Debbie will understand it," si Gabbie.
Natapos ang usapan na wala ng kontrahan na nangyari.Ngunit ramdam niya pa rin ang tensyon sa magkakapatid.
Nakasampa siya sa anyo lobo na si Veron.A big brown wolf.Mabilis ang takbo nila kasunod nila ang magkakapatid pero nanatili anyo tao ang mga ito na talagang ikinamangha niya dahil may angkin bilis ang bawat isa hindi niya magagawa sabayan ang mga ito kung hindi nag-anyo lobo ang isa at doon siya nakasampa.
I hope you okay,my Amelia.