TBW SERIES1: TWO

521 Words
Mataman na pinagmasdan ni Amelia ang lalaking istranghero.Mahimbing ito natutulog sa kanyang malambot na kama.Halos masakop nito ang buo kama sa laki nito.He's tall and fit.Maganda ang pangangatawan nito at makikita sa presensya nito na hindi lang ito basta lalake lang may kaakibat ang magandang tindig nito,he's look dominant and powerful. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng madatnan niya ito sa kalunos-lunos na kalagayan.Ngayon kung titingnan walang makikita na kahit ano galos at sugat na iniwan ng aksidenteng kinasangkutan nito.Parang lamang ito natutulog. Ilang katok ang pumukaw sa kanya mula sa pagkakatitig niya sa lalaki.Bumukas ang pinto at sumungaw ang maganda mukha ng kanila bunsong kapatid. "Rose tea!" anito na tinaas ang bitbit na tray na may tasa at maliit na teapot. Nginitian niya ito hudyat na pang-anyaya na pumasok ito. Tinahak niya ang terasa ng kwarto niya.Sinundan naman sya nito at doon nito nilapag ang tray sa round glass table.Nakangiti ito sumulyap sa natutulog na lalaki. "Gwapo sya,Ate Amelia," maya-maya anas nito. Napalingon sya sa kapatid mula sa pagsasalin ng tsaa sa tasa. "TaLaga?,"aniya. Nakangisi ito na tila kinikilig na ewan. "Nagugwapuhan kasi ko sa kanya,Ate Amelia," turan nito. Napailing siya sa tinuran ng kapatid. "Kung ano-ano siguro tinuro sayo ng mga ate mo mahilig sa men magazine," aniya. Mahinhin na natawa ang bunso niya kapatid sa sinabi niya.Umupo ito sa kaharap ng upuan niya. "Ate,anong balak mo pagkagising niya?"maya-maya tanong nito. Sumimsim muna sya sa tsaa na gawa sa rosas na ito lamang nakakaalam kung paano nito nagagawa makainbento ng inumin at pagkain na gawa sa rosas. " Hindi ko pa alam,bunso.."aniya. Muli ito sumulyap sa kinaroroonan ng lalaki. "Hindi sya dapat maabutan ni Ate Debbie dito,baka kung ano gawin sa kanya ni Ate Debbie,"may pag-aalala nito sabi. Naisip na niya ang bagay na iyun,sagad hanggang buto ang galit ng kapatid nilang si Debbie sa mga tao ng mamatay ang kanila mga magulang. Tumayo sya sa kinauupuan at pinagmasdan ang maganda kapaligiran.Mula sa kabila dako makikita ang isang Green House na pinatayo ng kanila ama na pinagtataniman ng mga rosas ng kanila bunso at ito lamang ang nakakapasok roon dahil maingat ito sa inaalagaan nitong mga rosas. Pinuno muna niya ng sariwa hangin ang kanya dibdib bago niya tinugon ang kapatid na naghihintay ng sagot mula sa kanya. Muli sya humarap rito at sinulyapan ang lalaki. "Hindi ko hahayaan na masaktan sya ng Ate Debbie mo,bunso,"seryoso niya sabi. Napakunot-noo ito.Nalilito sa kung ano ibig niya sabihin sa sinabi niya iyun.Oo,nakakapag-usap sila sa pamamagitan ng isip pero hindi nila nababasa ang isip ng bawat isa.Debbie can read their mind,her ability but Debbie respect their privacy kaya hindi nito ginagamit sa kanila ang kakayahan nito. " Natagpuan ko na sya,"aniya habang mataman na nakatingin sa lalaki. Nabaling ang tingin niya sa kapatid ng mapasinghap ito. Her green eyes widen. "He..he's your mate,Ate Amelia..?," maang nito turan. Tumango sya rito bilang kompirmasyon sa tanong nito.Muli niyang sinulyapan ang nahihimbing na lalake.Hindi niya alam kung ano magiging reaksyon nito sa oras na magising ito at hindi niya alam kung ano mangyayari ngayon nasa harapan na niya ang lalaki itinakda para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD