TBW SERIES1: THREE

706 Words
Alam niyang hindi na maganda ang pakiramdam niya pero pinili pa rin niyang magmaneho pabalik ng maynila ng umagang iyun.Tumawag ang kasosyo niyang si Kian Debloise ng hindi pa pumuputok ang araw at wala pa syang tulog at ilang araw na syang hindi natutulog ng mahaba dahil abala sya sa pinapatayo niyang bago Hotel and Resort sa Aurora. Nasa kalagitnaan na sya ng mahaba at makipot na kalsada ng makaramdam sya ng pagkahilo. Shit,pagmumura niya sa isip. Pinilit niyang hamigin ang pagkahilo.Pero bigla na lang nawalan sya ng kontrol sa pagmamaneho hanggang sa lumihis ng daan ang kotse niya at huli na para makapagpreno sya nahuhulog na sya sa bangin..kung saan naghihintay sa kanya si kamatayan. Ito na siguro ang araw ng kamatayan niya. Pero...sana hindi sa ganitong paraan. Malakas na humampas ang kanyang katawan sa unahan ng kotse.Walang ingay na napadaing sya,tila namanhid ang buong katawan niya pero alam niyang nanunuot yun sa sakit. Alam niyang bali ang buto niya sa inabot niyang iyun.Nahihirapan na rin syang huminga pa.Naninikip ang dibdib. Hindi na siya makahinga pa ng maayos. Nahihilo man at nanlalabo ang kanyang mga mata pinilit niyang imulat ang mga iyun habang patuloy ang pag-agos ng mainit at malagkit na dugo sa kanyang mukha. Nang maimulat nya ng bahagya ang mga mata natuon ang nanlalabo na niyang paningin sa isang pares na kulay tsokolateng mga mata. A pair of very innocent brown eyes. Iyun na ata ang pinakamagandang mga mata na nakita niya sa tanan buhay niya. Bukod roon napakaganda rin ng mukha na may pagmamay-ari ng mga matang iyun. She's look like an angel. His angel. Malamang ito na ang susundo sa kanyang kaluluwa. Pero..ayaw pa niyang mamatay! Help..salita na wala sa bokalaryo niya pero...he need help. Help me... Nakita niya ang kislap ng mga luha sa mga mata nito. Luha? Umiiyak ba ito para sa kanya? Bakit? Malakas na pagsinghap ang nagpabalik sa kamalayan ni Dave Dornan,habol niya ang hininga parang sya tumakbo ng ilang kilometro sa paghahabol niya ng hininga.Doon niya napansin ang maaliwalas na paligid. Where am I? Inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng kinaroroonan niya. Nasa sa isang silid sya.Ano'ng ginagawa niya sa isang hinding pamilyar na silid na ito? Hindi ba dapat nasa ibabaw na sya ng langit at nakatingala sa mataas na Gate kung saan naghihintay si San Pedro? O marahil sa harapan ni Kamatayan? Naagaw ang atensyon niya sa isang ingay na nagmumula sa nakabukas na balkonahe.Tinatangay ng mabini hangin ang kulay puting kurtina. Namalayan na lamang niya nakatayo sya at tinatahak ang kinaroroonan ng ingay . Nagmumula ang ingay na iyun sa pagkaskas ng kung sino sa isang gitara. Suddenly,His heart beat so fast! Damn! Napamura sya sa isip at sinapo ang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Hindi ba patay na sya? Pero bakit tumitibok ang puso niya? Natigilan sya ng masilayan ang isang babae na may kulay tsokolateng buhok,natatakpan ang kalahati nitong mukha na marahan tinatangay ng hangin. Tila huminto ang pag-ikot ng kanya mundo ng masalubong ng kanyang mga mata ang kulay tsokolate nitong mga mata. His Angel! His Guardian Angel! Sumilay ang maganda nitong ngiti ng makita sya nito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa balkonahe.Isinandal nito ang gitara sa gilid. Nahigit niya ang hininga. Masyadong napakabilis ng t***k ng puso niya. Bakit? Bakit ganito?! "Gising ka na pala,Ginoo.."saad nito. Bigla nakalma siya ng marinig ang malambing nitong boses. Isang anghel talaga ang babae! Gising? What does it she mean? Biglang natauhan niyang saisip. "Maligayang pagbabalik,Ginoo.." nakangiti pa rin nitong sabi. Sinakop ng kalituhan at katanungan ang isip niya sa sinabi ng magandang babae sa harapan niya. "I...am I still alive?"ayaw man niyang umasa na buhay pa sya iyun na ang lumabas sa bibig niya. Lalong nagliwanag ang napakaganda nitong mukha ng muli itong ngumiti sa kanya. " Oo,Ginoo..buhay ka pa,"tugon nito. Maang na napatingin sya rito at nabaling sa kanyang katawan ang paningin at pinakirandaman ang sarili.Kinapa niya ang sarili,paanong wala sya kahit anong sakit na nararamdaman? Paanong buhay pa sya? "T-that's impossible.." maang niyang anas. He look at her .Nakangiti ito at mababakas sa maganda at maamo nitong mukha ang pang-unawa sa kanyang nalilitong pag-iisip. Fuck! Bakit nakakalma siya nito kahit gusto ng utak niya na maghisterya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD