Nanatiling nakamaang ang istranghero,pinatili ni Amelia ang ngiti sa mga labi ayaw niyang biglain ang lalake na bakas sa mukha ang pagkalito at sa abuhin nitong mga mata na taimtim na nakatitig sa kanya.Hindi niya maarok kung ano ang iniisip nitong ngayon. Isang bagay na hindi niya magagawa sa lalaking itinakda sa kanya ang malaman ang nilalaman at nararamdaman nito.
"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?"pagtatanong niya rito ilang sandali na katahimikan.
"Kung nagugutom ka na magpapahanda ako sa bunso kong kapatid para makakain ka," patuloy niya sa gitna ng pananahimik pa rin nito.
Nakapagkit pa rin ang ngiti sa mga labi niya na tinalikuran ito.
"S-sandali," maya-maya kibo na nito.
Agad niyang hinarap ito.
"Where am I? What the hell happen to me?" pagtatanong nito. Bakas sa gwapo nitong mukha ang pagkalito.
"Nandito ka sa aming tirahan sa isang kagubatan na hindi basta-basta makikita ng sinuman," pagtugon niya rito.
Nagsalubong ang may kakapalan nitong mga kilay. Lalong gumulo sa pag-iisip nito.
"Mabuti pang magpapahanda muna ako ng makakain mo,kung handa ka na nasa ibaba lang kami," aniya.
"Sigurado ka bang buhay pa talaga ako?"
Nginitian niya ito bagong tumango.
"Hindi naman siguro ako namamaligno at...hindi ko alam kung paano nangyari wala ako kahit anong sakit na nararamdaman ngayon?" gulong-gulo ang isip nitong anas na tila sarili ang kinakausap nito.
"Nauunawaan ko ang kalituhan mo ngayon,Ginoo.." aniya.
"I can't believe of this..." anas nito sa hangin. Tuliro na.
"Minsan..kailangan natin maniwala sa isang bagay na posible naman mangyari at ang buhay ka pa hanggang ngayon ay dapat mong pinagpapasalamat," sabi niya na ikinatingin nito sa kanya.
"I-ikaw ang nagligtas sakin? Papaano?" anito.
"Bago ang lahat,nais kong malamang ang iyong pangalan,Ginoo?" pag-iwas niya sa pagtatanong nito.
"Dave..I'm Dave Dornan," anito.
"Dave,ako si Amelia..makikilala mo rin ang iba kong mga kapatid," pagpapakilala niya sa sarili at nasisiyahan ng malaman na hindi naman naapektuhan ang memorya nito.
Nanahimik na ito.Kaya naman agad na syang lumabas ng silid niya na syang pinagamit niya rito.
"Sasabihin mo ba sa kanya ang tungkol satin?" salubong ng kapatid niyang si Veron,ang pangatlo sa kanilang magkakapatid hanggang ngayon namamangha pa rin sya sa kulay bahaghari nitong buhok na napagtripan lang nito gawin sa sariling buhok. Nagagawa nga naman ng pagpunta-punta nito sa mundo ng mga tao.
Tiningnan niyang isa-isa ang kanya mga kapatid na kanina pa nag-aabang sa kanya sa labas ng silid niya.
"Ang tanong bakit pa niya dapat malaman pa? Pwede naman natin ipabura ang pangyayari ngayon Kay Ate Veron?"pagsasalita ng kapatid na si Senneth ang may weird na pag-uugali.Ang mahaba nitong buhok na kasingkulay ng mga mata nito na maayos na nakatirintas. Malamig at hubad sa emosyon ang kulay pilak nitong mga mata.
" May dahilan na dapat niyong malaman mga Ate.."sabad ng bunso nila. Nasa himig ang kasiyahan sa nalaman nito na hindi pa tukoy ng iba pa nitong nakatatandang kapatid.
"Gwapo siya ha..pero kahit gwapo siya bakit kailangan mo pa siyang iligtas? Hmm,sabagay kahit ako ang nakatagpo sa kanya ay kasinggwapo niya malamang ililigtas ko rin siya,"may pilyang sabi naman ng kapatid niyang si Erin.Kasingtingkad ng kulay kahel nito mga buhok ang ugali nito.Palabiro,mapusok at pilya.
"Are you for real,Ate Erin?" masungit na sikmat ni Senneth rito.
Nginisian lang ng huli ang kapatid.
She sighed.
Walang ideya ang mga ito maliban kay Gabbie na ang istranghero lalake na nasa silid niya ang lalaki itinakda para sa kanya.
"Kailangan muna natin sya pakainin,girls...bago ang lahat," aniya pagkaraan na hindi sinasagot ang tanong ni Erin.
"Luto na ang mainit na sabaw,Ate.."si Gabbie.
Tinanguan niya ang kapatid bilang pasasalamat.
Bago pa man sila isa-isa bumaba ng salas isang galabog ang pumigil sa kanilang lahat.
" Si Ate Debbie!"sabay-sabay na bulalas ng mga kapatid niya.
"Right.." bored na anas naman ng kapatid na si Senneth.