Halos magiba ang dahon ng pintuan ng silid ng pabalya iyun buksan ni Amelia.Sa pambihira nilang lakas na taglay hindi imposible na masira nga ang pintuan.Patakbo niyang tinungo ang balkonahe kasunod ang kanyang mga kapatid.Mula sa ibaba natunghayan niya ang pagdaluho ni Debbie sa lalake,nakahiga sa madamong lupa si Dave habang ang kapatid na sumunod sa kanya ay nakasakal sa leeg nito habang nakaupo sa ibabaw ni Dave.
Hindi makapaniwala sa naabutan eksena.
"Debbie!!!" malakas niyang pagtawag sa kapatid na nanatili nakasakal pa rin sa lalake na halos hindi na makahinga ng maayos.
Lumundag sya pababa na ikinagitla naman ni Dave ng mapagawi ang mga mata nito sa kanya.
"Bitiwan mo sya ngayon din," mariin niya utos sa kapatid.
Nilingon sya nito at nahulog sa pagkakataklob sa kulay tsokolate nitong buhok ang hood ng suot nito jacket.
Her deep black eyes glared at her hanggang sa tumalim iyun.
"Anong ginagawa ng isang tao rito sa ating tahanan?!" mariin nito angil na may halong panganib sa boses nito at kahit anong oras handa nito kitilin ang buhay ng lalake.
"Ate Debbie! Bitiwan mo na sya,hindi na makahinga si Kuya Dave!"pagdaluho ng bunso nila rito.
" Kuya Dave? At kailan pa kayo nagdala ng tao rito sa ating tirahan?!"marahas nito angil.
"Ako ang nagdala sa kanya rito," pagsagot niya sa kapatid.
Umangil ito at muli inambahan ang lalaki.
"Bitiwan mo na sya,mag-uusap-usap tayo," maawtoridad niya sabi rito.
Padarag na binitiwan nito ang lalaki at habol nito ang hininga.Napangiwi ito ng bumangon sa pagkakahiga sa lupa.
Alam niya nasaktan ito sa ginawa ng kapatid.
Malalim siya humugot ng hininga.Inalalayan ng kapatid niya bunso sa pagkakatayo si Dave.
"Mauna na kayo sa loob,susunod ako at pag-uusapan natin ang tungkol sa bagay na ito," muli maawtoridad niya utos sa kanya mga kapatid.
Muli pa sinamaan ng tingin ng kapatid ang lalaki na hindi man lang nag-iwas ng tingin.
Mababakas sa mukha nito ang samu't-samong sari emosyon.
"Gabbie,iakyat mo na lang sa kwarto ang kakainin niya," baling niya sa kapatid na nanatili nakaagapay sa lalaki.
Mahinhin ito ngumiti sa lalaki."Sige,Ate Amelia.." agad nito talilis.
Nakatingin lang ito sa kanya.
"Alam ko nasaktan ka,halika gagamutin ko," anyaya niya rito.
"Ano bang nangyayari? What the hell are you?" nagugulumihan nito anas.
"Malalaman mo rin kapag okay ka na," nakangiti niya tugon rito.
"I think I'm going insane..." anito.
Gusto niya maawa sa lalaki sa dami ng iniisip nito.
Pero ayaw niya ito biglain."Dave.." pagsambit niya sa pangalan nito.
Tila naman ito nahimasmasan sa pagtawag niya rito.
"Maiiintindihan mo rin ang lahat,sa ngayon mag tiwala ka lang na hindi na mauulit yun,wala sinuman ang maaaring manasakit sayo,Dave.."puno ng konbiksyon niya sabi rito.
Ngayon iisipin na lang niya kung paano niya sisimulan ang pagpapaliwanag rito.Sa tingin niya kailangan niya ang mga kapatid sa bagay na ito.
Kailangan niya makausap ng masinsinan ang kapatid na si Debbie.
Nginitian niya ang lalaki.To assure him na sinsero sya sa sinabi niya iyun na hindi dapat ito mangamba sa kanila.