Panay ang hilamos ni Dave sa maaligasgas niyang mukha dahiL sa papatubo niyang balbas at bigote.Hindi niya talaga maunawaan ang pangyayari sa kanyang buhay. Mamamatay na siya pero bakit ngayon humihinga pa rin siya!
Yeah,he is still f*****g alive!
Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak niya ang nangyayari sa kanya ngayon tapos..may nakakagilalas na eksena pa siyang nasaksihan kanina!
Tuliro sya habang nakaupo sa kama,inaalala ang nangyari eksena kanina.Ang biglaan pagsulpot ng isang babae sa harapan niya habang nakatanaw sa magandant kapaligiran at isang iglap nasa damuhan na sya at malakas ang pagkakabagsak niya roon.
Hell! Isang petite na babae ang gumawa nun sa kanya! Napakalakas nito para dambahin sya pababa ng pangalawa palapag ng bahay na walang kahirap-hirap!
That is so f*****g confusing!
Hindi lamang yun ang paglundag pa ni Amelia mula sa balkonahe na parang isang baitang lang ng hagdan ang taas?!
Isa pa din roon ang makita niya ang iba nitong mga kapatid.Naggagandahan ang magkakapatid at nasa anim silang babae.
Hell! No,you are in heaven with the six angels!
Hindi kaya naeengkanto talaga sya?! Damn! Hindi nga sya naniniwala sa kwentong pambata eh! But Darn it!
Kalmante siya kanina ng ngitian siya ni Amelia pero ngayon wala ito sa harapan niya nanumbalik na naman ang pagkagulo ng utak niya!
Tatlong katok ang pumukaw sa kanya.Bumukas iyun at sumungaw ang napakaganda mukha ng isang babae na tinawag ni Amelia na Gabbie kanina na siya din umalalay sa kanya mula sa kapatid nito na may maiitim na mga mata.
Agad itong ngumiti sa kanya. A sweet smile a little bit shy. Pumasok ito na may bitbit na isang tray.
"Uhm,saan mo gusto ko ilagay ang pagkain mo,Kuya Dave?" malambing nitong tanong.
Agad syang tumayo at kinuha mula rito ang tray na may pagkain.Nilapag niya iyun sa side table.
"Uhm,enjoy your food,Kuya Dave..ako ang nagluto niyan," anito.May mahiyain ngiti pa rin ito sa mga labi.
"Gabbie,right?" aniya.
Agad na tumango ito. She's look so adorable.
"Salamat..at kanina,"sabi niya rito.
"Walang anuman,Kuya Dave! uhm,maiwan na muna kita," pagpapaalam nito kaagad.
Pinag-aralan niya ang anyo nito.Her eyes is green.Her face is so angelic face.
May kaliitan ang babae.Tantiya niya hanggang balikat niya lang ito.Kasingputi ng perlas ang kulay ng balat nito. She's so very beautiful.
"Gabbie,can i ask something?" sabi niya bago pa sya nitong talikuran.
Hindi naaalis ang charming nitong ngiti sa mapupula nito mga labi.
"Anong klase ba kayong mga tao? I mean no offend but I saw everything now..hindi kaya gawin yun ng isang ordinaryo babae lamang gaya ng ginawa ng nanakit sakin kanina..ni Debbie?"
"Ah,Kuya Dave ..sa tingin ko si Ate Amelia na ang may responsibilidad na sagutin ang mga tanong mo pero huwag kayong mag-alala,nasa ligtas na kalagayan ka.."matapat nitong sagot sa kanya." Sige,Kuya Dave..maiwan na muna kita,"paalam nito pero bago nito buksan ang pintuan muli itong humarap sa kanya.
"Welcome to our family!" masaya nitong sabi na lalong dumagdag sa iniisip niya.
Napahilamos muli siya ng mukha. Nakakafrustrate na!
He need to know everything now pero si Amelia lang ang makakasagot sa mga katanungan niya.
Kumalam ang sikmura niya at agad na bumaling sya sa tray na umuusok pa ang sabaw na nakalagay mangkok.
Hell,he is so f*****g famished now!
Hindi niya alam kung ilang araw syang hindi nakakain.Marahas syang napabuga ng hangin bago nilapitan ang pagkain..pero agad din natigilan,hindi niya magagawang kumain na lang na hindi nasasagot ang mga tanong niya.
Hindi siya pasensiyosong tao. Gusto niya masagot agad ang mga bagay-bagay na gumugulo sa sistema niya buti kung sana problema lang yun sa negosyo,kalmante lang siya at handang maghintay na maresolba pero hindi sa pagkakataon ito.
This is about his life and..safety.