Tahimik ang magkakapatid na nagharap-harap sa gitna ng malawak na salas.
"Nawala lang ako sandali may ganito na nangyayari? Kailan pa sya rito? Bakit wala sino sa inyo ang nagsabi man lang sa akin ang tungkol dito sa tuwing komokontak ako sa inyo?"magaspang na pananalita basag nito sa katahimikan ng paligid.Matalim ang bawat tingin nito sa kanila magkakapatid.
"Ako ang nagdala sa kanya rito,Debbie at halos dalawang linggo na rin ang lumipas bago sya nagising at ako ang nagpasyang huwag sabihin sayo dahil nais ko sa personal iyun ipaliwanag sayo," pagsagot niya sa mga tanong nito.
Patuya itong tumingin sa kanya.Sa lahat ng kapatid niya ito ang may nakakatakot na pag-uugali.
"Baka nakakalimutan mo Ate Amelia kauri niya ang pumatay sa ating mga magulang?" mapait at mariin nito sabi.
"Alam ko yun at hindi ko yan nakakalimutan pero hindi sya ang pumatay sa ating mga magulang,inosente sya," matigas niya pagdepensa sa lalaki.
"Talagang pinagtatanggol mo pa ang tao iyun?!"mapanuya nito asik sa kanya.
Alerto na ang iba nila kapatid sa taas ng tensyon sa pagitan nila ni Debbie.Handa anuman oras na umawat sa kanila dalawa.
" Dave ang pangalan ng taong iyun,Debbie.."seryoso at puno ng pagtitimpi na sabi niya rito.
"Wala akong pakielam kung ano pa man ang pangalan niya! Mga kauri niya ang pumatay sa ating mga magulang at ganun din gagawin nila sa atin kapag nalaman nila ang tunay na katauhan natin lahat!" mataas na ang tono nito sabi sa kanya.
Nag-aalala na ang bunso nilang kapatid na sya mas emosyonal sa kanila.
"Hindi sya tulad ng iniisip mo,Debbie..iba sya at alam kong hindi lahat ng tao katulad ng pumatay sa ating mga magulang..wala tayo karapatan magbintang agad," pagtatama niya sa mali nito pananaw.
Mapait ito tumawa.Sarcastic.
"Hindi ko maintindihan kung bakit pinagtatanggol mo ang taong yun?" angil nito sa kanya.
"Makinig kayong lahat sakin,walang sinuman sa inyo ang gagalaw sa kanya,lalo ka na Debbie,hinding-hindi muna uulitin yun," puno ng awtoridad niya sabi rito.
Nakipagtagisan ito ng titigan sa kanya.
"Kung ganun,ipapaalam mo ba sa kanya na hindi tayo mga tao? Na mga taong-lobo tayo na nagpapalit sa anyong lobo?," anas nito habang nakikipatitigan sa kanya.
Iniwas niya ang tingin rito.
Bumaling sya sa iba pa niya mga kapatid na naghihintay ng sagot niya.
"Si Dave..."pagsambit niya sa pangalan ng lalaki." Siya ang lalaking itinakda sakin,"pagtatapos niya sa sasabihin.
Sabay-sabay na napasinghap ang mga ito.Nanlalaki ang mga mata na may pagkamangha maliban sa bunso nila kapatid na sya unang nakaalam sa katotohanan iyun.
Sumulyap sya sa kapatid na si Debbie.Nagkuyom ito ng mga kamao at naging mas maitim ang mga mata nito.
"Kabaliwan," anas nito sa gitna ng pagtatagis ng mga ngipin nito.
"Iyun ang totoo walang magagawa ang mga abilidad niyo sa kanya dahiL espesyal siya tulad natin dahiL siya ang itinakda sa akin," seryoso niya sabi rito.
Sa gitna ng rebelasyon iyun na nagpamaang sa kaniya mga kapatid Ay bigla nagpalit anyo ang kapatid.A big black Wolf.
"Ate Debbie!" malakas na singhap ng kaniya mga kapatid.
Kumabog ang dibdib niya ng makita nasa harapan ng lalake ang kanila kapatid sa anyo lobo.
Nananantiya ang titig ng lobo sa natulalang si Dave.
Umangil ang lobo na tila hinahamon ang lalake na walang nagawa kundi ang tumitig sa malaking lobo.
"Debbie!," saway niya rito.
Umangil ang lobo na bumaling sa kanya bago ito lumundag palabas ng bahay.
"Susundan ko si Ate Debbie," maliksi pagsunod ng kapatid na si Senneth.
Nanghihina tinitigan niya ang lalake na maang na inikot ang mga mata sa kanila magkakapatid.
"What the hell is that?!" reaksyon nito maya-maya.
Naulinigan niya ang mahina ungol ng pagkadismaya ng kanya mga kapatid.
Napabuntong-hininga naman siya.