TBW SERIES1: EIGHT

487 Words
Nilapitan ni Amelia ang tulirong si Dave.Malamang sa malamang narinig nito ang lahat na pinag-usapan nilang magkapatid at hindi nila namalayan ang presensya nito dahiL sa tensyon na namagitan sa kanila ni Debbie kanina. Bago pa man syang makalapit rito napaatras ito. Biglang kumirot ang kanya dibdib sa naging reaksyon ng lalaki.Matiim ito nakatitig na sa kanya at sa abuhin mga mata nito doon niya nakita ang takot na mabilis na dumaan roon. Pero kailangan niyang harapin ang katotohanan.Tulad ng pagtanggap niya na hindi sya matatanggap ng lalaking itinakda sa kanya. "What the hell is that? Bakit hindi niyo sabihin sakin kung sino kayo? At paano nangyari yun na naging...naging malaking aso siya..?"sunod-sunod nitong tanong. Mababakas na ang pag-ikli ng pasensya nito.He looks so frustrated and devastated. Naulinigan niya ang palihim na pagtawa ng dalawa niyang kapatid na nasa isang sulok lang. Kung narinig ni ate Debbie yan..malaking aso? sigurado natuluyan na sya talaga,so offended..pagsasabi ni Veron sa isip nila. Aww,he's so handsome and so cute,too,sabi naman ni Erin na binuntutan pa ng tawa. Mabuti pang sundan niyo na lang ang Ate Debbie niyo,utos niya sa mga ito gamit ang isip nila. " Don't worry,Kuya Dave...You'll be safe here,.."paglapit ng kapatid niyang si Veron Kay Dave. Napatitig ito sa mukha ng kapatid niya at humayon sa kulay bahaghari nitong buhok. Nginisihan ito ng kapatid niya. "I'm Veron and I know na weird ang kulay ng buhok ko but it's look beautiful,right?" friendly at playful nitong sabi sa lalake na wala naitugon kundi ang litong titig lang. "Hi,Kuya Dave..ako naman si Erin ,the most beautiful and the hottest among them! Agree?" pinagtaas-baba pa nito ang makurba nitong kilay na may kulay kahel gaya ng kulay ng buhok nito. "Girls,lubayan niyo na sya.." saway na niya sa dalawa na hindi agad sumunod sa inuutos niya. "Uhm,mga Ate..hayaan na natin makapag-usap sila ni Ate Amelia.." pagsabad na ng bunso nila. Agad naman nagpaalam ang dalawa na lalabas at sumunod na nagpaalam ang bunso nila na nagtungo naman ng kusina. Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib.Nanatili tahimik ang lalake at hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. "Saan mo gusto tayo mag-usap? Dun sa komportable ka habang nag-uusap tayo," maingat niyang sabi rito. "You can't hurt me,right?"may alangan na sabi nito maya-maya. Isang pilit na ngiti ang iginawad niya rito. "Pangako,tulad ng sinabi ko walang mananakit sayo rito,hindi kita sasaktan.."tugon niya rito. Ngunit sa kaloob-looban ng kanyang puso ang kirot dahil iniisip nitong sasaktan niya ito. Hindi naman niya masisisi ito. Kahit sino matatakot sa kanila..sa kanya. Hinintay niya itong mauna kumilos at tila naman nakuha nito ang gusto niyang mangyari.Humakbang ito at tinahak ang daan palabas sa kanilang bakuran. Malayo ang distanya nila sa isa't-isa dahil nararamdaman at nauulinigan niya malakas ang t***k ng puso nito.His heartbeat say that he is freaking nervous now..and scared. For them...for her. Nauunawaan niya iyun pero masakit talaga para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD