TBW SERIES1: NINE

860 Words
Ang malaman na buhay pa sya na ni walang galos sa katawan mula sa pagkakahulog niya sa bangin ay hindi na kapani-paniwala . Ang makaengkuwentro na may isang babae na kaya syang ibalibag ng walang kahirap-hirap ay mahirap rin tanggapin ng isip niya na kinaya sya ng isang babae? Ang masaksihan na lumundag si Amelia mula sa pangalawa palapag ng bahay Ay hindi rin niya mawari at kahit siya magdadalawa-isip na gawin iyun.Ngayon,ang masaksihan na nagpalit ang babae ang may mga maiitim na mga mata sa isang napakalaki aso ay para na talaga syang masisiraan na ng ulo.. Taong-lobo? Iyun ang malinaw na narinig niya na sinabi ng huli. Isang lobo ang mga ito? Pero hindi sila nag-eexist sa mundo niya! What the f*****g hell is that?! Malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. Nang makalabas sya ng bahay agad na lumuwag ang pakiramdam niya.Nasosuffocate na talaga sya sa mga nangyayari sa kanya.Nilanghap niya ang sariwang hangin. Hindi niya alam kung saan lupalop sya naroroon pero nakakamangha ang angkin ganda ng kapaligiran. Alam niyang nasa likuran lang si Amelia at malayo ang distansya nito mula sa kanya. Alright,nakaramdam siya guilt kaniaa ng mapaatras siya ng lumapit ito sa kanya.Nagiguilty siya taLaga sa inakto niyang iyun pero nangingibabaw ang kalituhan at frustration sa mga nasaksihan niya at sa mga narinig niya sa pag-uusap ng mga ito kaya nagawa niya yun. Unti-unting humarap sya Kay Amelia na tahimik lang nakatitig sa kanya. Her beautiful Angelic Face. Nakakalma na siya nito. I need her angelic smile,please! "Tell me now..everything,Amelia.." puno ng kaseryosohan niyang panimula. Isasantabi muna niya ang atraksyon na nararamdaman niya para sa dalaga. Tumango ito."Dito na kami pinanganak sa lugar na ito," simula nito."Dito sabay-sabay kami lumaki kapiling ang aming ina at ama,"patuloy nito. Hinayaan niya itong magsalita at tumitig sa maganda nitong mukha. "Namatay ang aming ina at ama limang taon na ang nakakalipas," may bahid ng lungkot na nitong saad. Naikuyom niya ang mga kamao. "May pumatay sa kanila,nilason sila at...hindi namin alam kung sino ang gumawa niyun sa amin magulang," mapait nitong sabi. Kita niya ang lungkot at pangungulila nito para sa magulang at pagkadismaya..pait sa pagkamatay ng mga ito pero gustuhin man niyang ipakita ang simpatya nanatili siyang tahimik. "Madalas silang magpunta sa mundo ng mga tao para asikasuhin ang negosyo na tinayo nila,mga Farm sa iba't-ibang bahagi ng bansa.Masaya sila at kampante nakakahalubilo ang mga tao hindi nila kauri," anito. Deretso ito tumingin sa kanya. Her brown eyes stared at him."Isang lobo ang aming ama at isang white witch naman ang aming ina," anito. "Tinayo nila ang aming tahanan sa gitna ng kagubatan ito na nababalutan ng mahika ng sa ganun maprotektahan ito mula sa mga tao.Ito ang mundo namin,Dave..kami..na ibang uri ng mga nilalang na nabubuhay sa mundo ito," paglalahad nito. "Lahat kami magkakapatid Ay mga lobo..mga hindi mo kauri.." "Kung ganun,totoo din ba may bampira?" komento niya na puno ng sarkasmo. Lumamlam ang maganda nito mga mata. Gusto tuloy niya pagsisihan ang sinabi niyang iyun. You are so rude,Dornan! "Hindi ko alam,yun ang totoo..pero ang tulad namin ay payapa at masayang namumuhay sa ibabaw ng mundo ito," tugon nito. "Your parents..sino pumatay sa kanila?"pagliko niya sa usapan. Nagiguilt siya dahil sa nakitang sakit sa mga mata nito. Mariin na naikuyom niya ang mga palad. "Hindi pa namin tukoy kung sino hanggang ngayon inaalam pa ni Debbie kung sino ang salarin,"tugon nito. Right,kaya ganun na lang kakila-kilabot ang mga matatalim na tingin sa kanya ng kapatid nito dahil may pinaghuhugutan ang galit ng babae sa tulad niya! "I..I'm sorry," tangi yun na lamang ang nasambit niya ng matanto ang lahat na pinagdadaanan ng mga ito. "Hindi ka dapat mabahala,walang mananakit sayo..kung nais mo ng bumalik na sa mundo na pinanggalingan mo handa ako anuman oras na ihatid ka palabas sa lugar na ito," Bigla hindi niya nagustuhan ang ideya nitong iyun. What the hell is happen to him now? Dapat matuwa sya makakaalis na sya at makakabalik sa Manila na parang wala nangyari. "Malugod ko kinagagalak na nakinig ka sa aking mga sinabi," pukaw nito sa kanya. "Inalagaan mo ako o ninyo ..you save my life dapat ako magpasalamat pa rin sayo," turan niya rito. Ngumiti na ito.Ngiti na kanina pa niyang gusto makita mula rito. "Bukod sa...isa kang lobo,"aniya sabay tikhim." may iba ka pa ba kayang gawin?"patuloy niya. Bigla niya naisip kung Paano siya napagaling nito. Mahina itong natawa."Kakahayan kong manggamot ng kahit ano klase sakit pero may limitasyon,lahat kami magkakapatid Ay may kanya-kanya abilidad," anito. Puno ng pagkamangha na napatitig siya rito. The hell! Utang mo ang buhay mo sa kanya,Dornan. "Kailan mo nais umalis?"pukaw nito sa kanya. Agad syang napatingin rito."Hindi ko pa alam,kung maaari dito muna ko hanggang sa maunawaan ko ng paunti-unti ang lahat,"pagdedesisyon niya. Nanatili ang ngiti sa mga labi nito na tila masaya ito sa naging desisyon niyang iyun. " Kung iyan ang nais mo,"anito. Hindi niya alam kung tama ang naging pasya niya na manatili sa poder ng magkakapatid na may kakaiba katauhan. Perhaps,he just curious about them kaya ganun na lang ang naging pasya niya. And he want to know about her.Amelia.Everything about her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD