IT BECAME A DISASTER. One moment, I was so happy with all the achievements that I am currently receiving, and seconds later, it all became a freaking mess. “Natawag ang Ideals,” sabi ni Sir Louie sa akin. Lumapit ako sa kanya at muling itinaggi ang tungkol sa mga litrato. “That wasn’t me!” sabi ko. Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. Hindi ako iyon at alam ko sa sarili ko, pero kailangan ko rin ng mga taong naniniwala sa aking hindi ako iyon! “I know, Zari. Naniniwala kami sa ‘yo. Kakausapin ko lamang itong mga tumatawag, and we will discuss what’s our next move.” Maging kay Yela ay marami ring tumatawag. May ilan na sinasagot niya pero ang iba ay hindi niya in-e-entertain. Ang iba kasi ay bahagi ng media na gusto lamang ng scoop. “We already have a team, na nag-aalis ng mga litrat

