bc

Chasing the Runaway Bride

book_age18+
13.0K
FOLLOW
94.6K
READ
billionaire
possessive
arranged marriage
student
drama
ambitious
disappearance
teacher
professor
like
intro-logo
Blurb

BENAVIDEZ FOURTH GENERATION SERIES: AZRIEL VALERIEN BENAVIDEZ

BLURB:

Si Zariah Dominique Hidalgo ay lumaki sa marangyang pamilya. Nasusunod ang kanyang luho at buhay prinsesa, hanggang sa dumating sa kanya ang isang trahedyang hindi niya inaasahan sa murang edad. Due to some unexpected event, napasok si Zari sa isang kasunduang hindi niya kayang makawala, kung saan kailangan niyang magpakasal sa anak ng matalik na kaibigan ng kanyang ama. Nakilala niya si Azriel Valerien Benavidez, ang bunsong anak ng kaibigan ng kanyang ama. Sa loob ng maiksing panahon ay nagkamabutihan silang dalawa.

Ang inaakalang perpektong pagsasama ay siyang punung-puno pala ng pagpapanggap at kasinungalingan. Na hindi nagtagal ay kinain si Zariah ng tinatago at pinakaiingatan niyang sekreto. Kaya naman, nang araw na dapat ay magpapakasal siya kay Azriel ay siya ring araw na tinalikuran niya ang lahat at iniwan ito. Zariah Hidalgo left his groom—Azriel Benavidez—and ran away.

WARNING: This story contains mature content that may not be suited to young audiences.

chap-preview
Free preview
SIMULA
“TITA, hindi ko matatanggap itong gusto mong gawin ko!” sigaw ng isang babae matapos niyang makapasok sa isang opisina. Bumuga ng usok ng sigarilyo ang isang may katandaang babae habang may kausap iyon sa telepono. “We’ll do, sir. Thank you. I hope you’ll enjoy her service.” Matapos sabihin iyon ng matandang babae ay ibinaba na niya ang telepono at bumaling sa mas bata na pumasok sa kanyang opisina. “Wala ka nang magagawa. Inihanay ko na ang pangalan mo. The crowd wants you! Ito na ang solusyon sa kawalan mo sa pera. Bayad mo na rin sa pagtulong ko sa ‘yo sa pagtatago mo sa pamilya mo sa loob ng dalawang taon, Zari,” sabi ng nakakatandang babae habang inaayos ang iilang papeles na nakakalat sa kanyang lamesa. “Kapalit? Kusang loob niyo ako tinanggap nang lumapit ako sa inyo. Nagtrabaho naman ako at hindi na nga pinili ang mag-aral para makatulong pantustos sa pang-araw-araw na gastusin natin tapos ganito ang gagawin ninyo sa akin? Hindi niyo nga ako ginagawang escort pero ipapa-auction niyo naman!” Hindi na napigilan ng dalagita na magtaas ng boses sa sobrang prustasyon na kanyang nararamdaman. “Wala ka nang magagawa. Kung aatras ka ay kailangan mong magbayad ng penalty. May pera ka ba roon? Wala rin ako. Kaya sundin mo na lang ang ipapagawa sa ‘yo. Baon ako sa utang at marami tayong pangangailangang dalawa. Tiisin mo na lang o kung gusto mo ay humingi ka ng tulong sa nanay mo. May pera naman ang pamilya mo, hindi ba? Iyon nga lang, kailangan mo ring salubungin ang galit ng pamilya mo matapos mong tumakas sa kanila.” Hindi nagawang magsalita ng dalagang nagngangalang Zariah. Alam niya na hindi siya maaaring bumalik. Matapos niyang umalis sa kanilang bahay dalawang taon na ang nakakaraan ay tinanggap niya na ang kapalarang hindi na siya maaaring bumalik. Bukod sa pagtakas ay may isang malaking eskandalo at pagkakamali rin siyang iniwan sa lahat nang tinalikuran niya noon. Kaya ngayon, wala siyang ibang magawa kung hindi ang kumapit sa babaeng kumupkop sa kanya noong mga panahong wala siyang mapuntahan. Si Mara, ang babaeng tumulong kay Zari nang umalis at tumakas ito sa kanyang pamilya, na nagtatrabaho sa isang esklusibong club. Bumuntong-hininga si Zari. Marami siyang gustong ipaglaban pero…alam niya na wala na rin siyang magagawa. Ayaw niyang humingi ng tulong sa ina dahil alam niyang hindi ito nagpapakaina sa kanya. Huli na rin kasi nang malaman niya na kasali siya sa mga babaeng i-auction ngayong gabi. Wala rin naman itong pambayad sa penalty kung sakali. Panay ang pagkuyom ng kanyang kamay habang inaayusan siya ng mga hairstylist at makeup artist. Hindi niya pa rin matanggap ang sasapitin niya ngayong gabi. Pinalinya na ang lahat ng babaeng ma-o-auction. Gusto niyang maiyak at masuka. Ni minsan ay hindi inisip ni Zariah na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. She grew up with golden spoon. May pagka-spoiled man dahil na rin sinusunod ng kanyang mga magulang ang kanyang mga luho noon ay alam pa rin naman niya kailan kailangang tumayo sa mga sariling paa. Ang inaasam na tahimik na buhay ni Zari ay nagunaw nang biglang ipagkasundo ng kasal ang kanyang kakambal na si Zarina sa isang miyembro ng malaking pamilya na kilala sa buong bansa. Doon nagsimula ang pagiging mas magulo ng akala niya’y magiging perpekto na niyang buhay. Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang maalala niya ang lahat ng nangyari. Gusto na niyang ibaon sa limot ang lahat ng iyon ngunit gusto niya ring isipin kung ano ang mga posibleng nangyari sana sa kanya kung hindi siya umalis noon. “Zari!” Nasira ang kanyang pag-iisip nang tawagin siya ng isang organizer nitong auction. Hinawakan siya sa braso bago makipag-usap sa kanya. “Ikaw na ang susunod. Kahit noong panahong waitress lamang ang iyong trabaho ay marami na ang gustong magbayad para sa serbisyo mo. Too bad, hindi ka talaga pwede noon pero ngayon…nako! Magkano kaya ang highest bid para sa iyo?” excited na sabi nito sa kanya. “As of now, isang milyon ang pinakamataas na bid ngayong gabi.” Kung gaano ka-excited ang lahat ng nakapaligid kay Zari ay siya namang pagkalugmok ang kanyang nararamdaman. Gusto niyang umatras, gusto niyang tumakbo papalayo, at takasan na lamang ang lahat. Alam niya naman kasi na magaling siya kapag tatakasan na ang mga problema. Pero iniisip niya rin ang magiging kalagayan ng Tita Mara niya. Ang taong ginaganito man siya ngayon ay malaki ang utang na loob niya dahil ito ang nasandalan niya sa loob ng dalawang taon na pagtatago niya sa kanyang pamilya. “Virgin ka pa, hindi ba?” tanong ng isang babae. May sinisipsip itong lollipop habang naghihintay ng isasagot ni Zariah. Hindi sumagot si Zariah. “Nako! Paniguradong mataas ang ibi-bid sa ‘yo ng mga taong nasa labas kung virgin ka pa. Bukod sa maganda ka, kapag nalaman nila na birhen ka pa, magkakandarapa ang lahat makuha ka lang.” Sa katunayan niyan, she’s no longer a virgin! Matagal niya nang isinuko ang p********e niya sa isang lalaking gustong-gusto niya. Ganoon man, kinailangan niya pa rin itong iwanan. Hindi kumibo si Zari, iniisip na walang kwenta ang perang makukuha niya kung dignidad naman niya ang kapalit. Pinaghanda na siya dahil siya na ang susunod. Siya ang huling babaeng lalabas at ang sabi pa sa kanya ay siya raw talaga ang hinihintay. Sarkastiko naman siyang ngumiti dahil hindi naman siya natutuwa sa kung gaano siya binibigyang importansya ngayon dito. Huminga nang malalim si Zariah. Nilulunok ang lahat ng emosyong nararamdaman niya. Kung gusto niyang makaraos sa lahat ng ito, kailangan niyang mamanhid. Nang tawagin ang palayaw niya ay lumabas na siya. Ang mga lalaking naroroon ay habol tingin sa kanya na para bang handa nang maglatag ng kahit magkanong halaga para lamang makuha siya at makasama kahit sa loob lamang ng ilang araw. Hindi niya pa rin matanggap na naririto siya ngayon, tila isang bagay o property na ibebenta sa halagang naaayon para sa kanya. Gusto niyang masuka at mandiri sa mga taong gumagawa ng ganito. Hindi makapag-focus si Zari. Ni hindi niya mailibot ang kanyang mga mata dahil nakatuon lamang ang kanyang titig sa sahig. Ang tanging narinig niya na lamang ay nang sabihin ng auctioneer na sa isang milyon magsisimula ang bidding. Zari scoffed. Dinig na dinig niya kanina na nagsisimula sa mababang presyo muna bago tumaas pero sa kanya ay sobrang taas kaagad ng halaga. Ganoon siguro kahayok ang mga ito sa mga babaeng birhen o akala nila ay birhen pa at hindi pa nahahawakan ng kahit na sinong lalaki. May nagtaas ng kanyang numero. Bahagyang napasilip doon si Zari at napairap siya nang makita niya ang isang tumatakbong senador na naririto at nagbi-bid para sa kanya. Her makeup is too thick to even recognize her. Alam niya na hindi siya makikilala ng kahit na sino kung sakali mang may kakilala siyang biglang sumulpot sa event na ito. “1.5 million,” sabi ng lalaki. Pataas nang pataas ang bid para kay Zari. Nawalan na siya ng pakealam. Hinihintay niya na lamang kung sino ang mananalo sa kalokohang ito. “Going once, going twice—yes, number 100!” sabi ng auctioneer. As of now, ang pinakamalaking bid kay Zari ay nasa sampung milyon na. Isang matandang negosyante ang may pinakamataas na bid para sa kanya at nang makita niya kung paano siya titigan nito ay kinikilabutan siya. Parang bigla siyang napadasal at nagkaroon ng pakealam na sana hindi siya roon mapunta. “50 million pesos!” Nanlaki ang mga mata ni Zari sa narinig. Napatingin siya roon sa lalaking nagsabi nito. Naka-pormal na kasuotan ito ngunit hindi siya iyong tipo na parang may-ari ng malaking kompanya. “Sold!” Hanggang matapos ang auction ay wala sa sarili si Zari. Hindi pa rin siya makapaniwala na may gagastos ng 50 million para lang makuha siya at makasama ng ilang araw. Tuwang-tuwa ang Tita Mara niya. Kung ano-ano pang payo ang ibinibigay nito na parang ipinagkakanulo na niya talaga si Zariah. Sinipat naman siya ni Zari, hindi pa rin natutuwa sa nangyayari sa kanyang buhay. May ilang dokumento lamang na inayos bago siya hayaang maisama ng lalaking napanalunan siya. Pinasakay siya sa isang magarang sasakyan at mukhang patungo sila sa isang malaking hotel. Panay ang pagsulyap niya sa lalaki. Tahimik lamang ito at panay ang pakikipag-usap sa telepono. Nagtataka pa siya bakit ganoon kalaki ang ginastos na pera para sa kanya ganoong parang wala namang interes ito sa kanya. Nang makarating sila sa isang sikat na hotel ay kaagad siyang iginaya sa elevator. Sa pinakamataas na floor sila nagtungo. Tumigil ang mga kasama niya nang makaharap sila sa isang suite. Tiningnan niya ang lalaki, inaasahang na sasama siya sa loob ngunit matapos siyang pagbuksan ng pinto ay hindi na ito gumalaw sa kinatatayuan. “Hindi ka ba sasama sa loob?” Nangangapa si Zari sa bawat salitang bibitawan niya. Kaagad na sumagot ang lalaki. “No, Miss. Inutusan lamang po akong um-attend ng auction. Hindi po ako ang nagmamay-ari sa inyo. My boss is waiting inside this suite, pumasok na po kayo.” At iyon na nga ang ginawa ni Zariah. Pumasok siya sa loob ng silid at naglakad patungo sa sala nito. Gusto niya pa sanang purihin ang bawat sulok ng suite ngunit naaalala niya ang sadya niya rito. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isipan niya, lalo na sa kung anong klaseng tao ang nanalo sa auction. Nang makarating siya sa may sala ay nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa harapan ng malaking bintana. Ang isang kamay nito ay nasa bulsa at ang isa naman ay may hawak na baso ng alak. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ng lalaki. Dahan-dahang humarap ang lalaki sa kanya at halos lumuwa ang mga mata ni Zariah nang makita kung sino iyon. Ang lalaking pilit niyang tinatakasan at ang lalaking pinagbigyan niya ng buong p********e niya. Ang lalaking itanggi man niya’y mahal na mahal niya. “A-Azriel!” Nakaramdam ng pagkataranta si Zari nang makita at makilala niya ang lalaki. Mabilis na inubos ni Azriel ang kanyang iniinom na alak bago lumapit kay Zariah. Kaagad namang umatras si Zari nang mahablot ni Azriel ang kanyang kamay. “You’re running away again?” malamig na sambit ni Azriel sa kanya. Para namang nanliit si Zariah sa paninitig ng lalaki. Kitang-kita rito ang panlilisik ng kanyang mga mata. “Bitiwan mo ako, Azriel! Bakit ka ba naririto? Ikaw ang nanalo sa auction?!” giit ni Zariah. Hindi matanggap na nakikita niyang muli ang binata. Tumaas lamang ang kilay nito at hindi sumagot. “What the hell?! Bakit ka gumastos ng limangpung milyon para sa akin?! Alam ko na mayaman kayo pero kung waldasin mo ang pera ninyo ay parang napupulot lamang iyon, ah—” Kaagad naputol ang sinasabi ni Zari nang hawakan ni Azriel ang kanyang baywang at hapitin ito papalapit sa kanya. Umigting ang panga ng binata at matalim pa ring tinitigan si Zari. “I am claiming what’s mine, Zari. I am here to get my runaway bride.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook