KABANATA 1

2377 Words
KAKAUWI ko lamang ng bahay namin nang maabutan ko ang kakambal kong si Zarina at ang aking ina na masayang nag-uusap. Wala akong ideya sa kung ano ang kanilang pinag-uusapan, because they always exclude me. My parents named me Zariah while my twin sister's name is Zarina. “Sino sa dalawang lalaking anak, Mama?” tanong ni Zarina. “Iyong panganay, anak! Si Yago Benavidez!” Kahit na may mga binabanggit silang mga pangalan, hindi ko pa rin masundan ang kanilang pinag-uusapan. “Nako, Ma! Kahit sino pa dalawang anak nina Tita Adira ay okay lang sa akin! Ako ba raw ang gustong pakasalan?” Napatigil ako sa aking paglalakad nang marinig ang sinabi ni Rina. Ha? Anong kasal? “Oo, syempre ikaw ang sasabihin ko! Alangan namang…” My mom trailed off, napansin niya na siguro ang presensya ko. Tumingin din ang kakambal kong si Zarina sa akin at tumaas ang kanyang isang kilay. Mataray niya akong tiningnan kagaya ng parati niyang ginawa. I secretly rolled my eyes at her. “Zariah, naririyan ka na pala. Kanina ka pa?” my mom asked me. Ngumiti ako sa kanya. “Kakarating ko lang po.” Umakto ako na walang narinig sa kanila kanina. “Anong pinag-uusapan ninyo, Ma?” Lumapit ako sa kanila at hinalikan sa pisngi ang aking ina. “Wala naman. Nakausap ko lang si Adira. Remember her? Your dad’s friend? Matagal ninyo na silang hindi nakikita kaya siguro hindi mo na matandaan. Anyway, gusto nilang ipakasal si Zarina sa kanilang panganay na anak!” Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Gusto kong maging masaya pero may pait sa aking lalamunan. I can see how my mother is so proud with my sister, pero matagal na simula nang makita ko siyang ganito sa akin. “Anyway, may pagkain pa r’yan kung hindi ka pa nakain. Ikaw na rin ang maghugas ng pinggan, day-off kasi ni Yaya. You can do that naman, right?” Wala akong nagawa kung hindi ang tumango sa kanya. I can use the dishwasher naman. Isa pa, mahirap nang umangal dahil ako na naman ang lalabas na masama. My sister eyed me, and she smirked when she saw me looking at her. Inirapan niya ako bago makipagkwentuhan ulit sa aking ina. Iyon pala ang kanilang pinag-uusapan. Ipapakasal si Zarina sa anak ng kaibigan ni Dad. Bumuntong-hininga ako at nagtungo sa kuwarto ko para makapagbihis ng damit. Kakagaling ko lamang sa school at ganito agad ang sasalubong sa akin, ang maghugas ng pinggan. Naupo ako sa gilid ng kama ko at nagtanggal ng sapatos. Napadpad ang aking titig sa litrato ng aking ama. Malungkot akong ngumiti bago lumapit doon. Hinawakan ko ang picture ni Papa at malungkot na ngumiti sa kanya. “If only you were here, Pa. Siguro hindi nila ako ganito itrato.” Hinaplos ko ang picture frame. 10 years ago, namatay ang Papa ko. Car accident. Ako ang sinisisi ng pamilya ko sa pagkamatay niya. Naglayas kasi ako dahil ayaw akong ibili nina Papa ng damit na gusto ko kaya para magsisi sila noon, umalis ako sandali. Hindi ko naman inaakala na sa paghahanap ng aking ama sa akin, maaaksidente siya. I grew up being spoiled by my parents especially by my father. Kaya kapag may mga bagay akong hindi nakukuha noon, big deal sa akin at nagmamaktol ako. I am the rebel daughter while my twin sister is the good daughter, kahit alam na alam ko ang umaalingasaw na ugali ng kapatid. Close naman talaga kami ni Zarina noon pero matapos ang trahedya kay Papa, nag-iba na ang ugali niya at pakikitungo sa akin. Now that I’m growing up, natutunan kong hindi lahat ng bagay nakukuha mo kahit gaano mo pa kagusto. Malaki ang naging impact ng pagkamatay ni Papa sa akin. Hindi ako nagpapaawa, hindi rin ako nagpapaapi. Kapag may nang-a-argabyado sa akin, nilalabanan ko. Ang problema, when it comes to my mother, parati akong nagpapatalo. Dahil hanggang ngayon, pakiramdam ko ay kailangan kong bumawi sa kanya. Ako ang naging primary reason why my dad, her husband, is no longer with us. Hanggang ngayon, dinadala-dala ko ang guilt sa nangyari. Kaya kahit minsan pakiramdam ko na hindi na anak ang turing sa akin ng aking ina at mas pinapaboran niya ang kakambal kong si Zarina, hindi ako nagrereklamo. “Nagseselos ako, Pa,” sabi ko sa litrato ng papa ko. “Sana mahalin ulit ako ni Mama kagaya ng pagmamahal niya kay Rina. Anak niya rin naman ako at hindi ko rin naman ginusto ang nangyari sa ‘yo noon. If only I can trade my life for you, ginawa ko na, Pa.” Niyakap ko ang litrato ng aking ama. “I miss you, Pa. Walang araw o gabi na iniisip ko, sana hindi na lang ako naglayas noon, e ‘di sana kasama ka pa rin namin.” Hindi na ako kumain ng hapunan dahil nawalan na ako ng gana. Hinugasan ko na lamang ang mga pinggang nasa kitchen at nagdesisyon na matulog na. Pagod na pagod ako sa araw na ito. Pinagsasabay ko kasi ang pag-aaral at ang pagtatrabaho. My mom doesn’t know that I am working. Mayaman ang pamilya namin dahil sa mga negosyong iniwan ni Dad pero…gusto kong magkaroon ng sarili kong pera. Gusto kong umalis dito at magkaroon ng sariling buhay. Sure, I love my mom and my sister kahit ganito sila sa akin, pero nasasakal na ako sa pananatili ko rito. I want to create my own name. Someday, I’ll be a well-known model or actress! Baka sakaling kapag nangyari iyon, makuha ko ang validation ng nanay ko. Alam ko na against doon si Mama. Ayaw na ayaw niya na sa ganoong industriya. Minamaliit niya ang pagmomodelo at ang pag-aartista pero para sa akin, it is a work of art. Someday, I will make my mother proud. Kahit papaano ay gumaan ang aking nararamdaman dahil sa iniisip kong pag-abot ng pangarap ko. Second-year college pa lang ako while my sister is in her 4th year now. Bakit ako napag-iwanan? Well, in the past, I tried to intentionally sabotaged my school. Papalit-palit ako ng course at nagda-drop out. Nagtangka rin akong mag-rebelde sa aking ina, just so she will give me her attention. Mas gusto kong napapagalitan niya ako dahil napapansin niya ako. Kapag nagagalit siya sa akin, nararamdaman ko na nag-e-exist ako, ngunit nakakapagod din pala. Kaya ngayon, sumusunod na lamang ako sa mga gusto niya kahit na ayoko. Tatapusin ko lang ang kursong kinukuha ko ngayon sa kolehiyo at pagkatapos nito, susundin ko kung anong gusto ko. Maaga akong gumising kinaumagahan. May ilang ingay akong naririnig kaya’t agad akong lumabas ng aking silid. Nakita ko si Mama na may mga bagahe. My sister is being emotional while my mother is comforting her. “I’ll be back, hija. Kailangan ko lang talaga umalis. Siguro mga dalawa hanggang tatlong buwan. Magiging maayos naman kayo rito, right?” sabi ni Mama. Saan siya papunta? “But Mama, I’m going to miss you!” Niyakap ni Mama ang kapatid kong umiiyak. “Me, too, honey. Basta ang bilin ko sa ‘yo, okay? Next week, pupunta ka sa mga Benavidez and you’re going to stay there for a while, para naman makilala mo nang husto ang fiancé mo!” “Ma, saan ka pupunta?” Hindi ko na rin napigilan ang magsalita. Naglakad ako papalapit sa kanila at nakita ko ang biglaang pag-iiba ng timpla ng mood niya. “I’m going to Russia. Kailangan kong asikasuhin ang business natin doon. Nagkakaroon daw ng problema.” Tumingin siya sa akin at binati ako ng mataray niyang mukha. “You’re going to be alone here, Zari. Si Zarina ay pupunta sa mga Benavidez next week at doon muna siya mananatili. Ako ay nasa Russia. I’m going to leave the house in your care. Naandito rin naman sina Manang kaya wala naman sigurong magiging problema.” Naglakad siya papalapit sa akin. Nanatili akong nakatayo sa may hamba ng pinto ng kuwarto ko. “Don’t cause any trouble, understood?” Isang pagtango na lang ang aking ginawa. Hanggang labas lamang ng pinto namin inihatid si Mama at pinanood na umalis ang kotse niya. Pabalik na ako sa loob ng bahay nang makita ko si Zarina. Nakahalukipkip ito at tinitingnan ako. Nang mapansin niya ang pagtingin ko sa kanya ay nginisian niya ako bago talikuran. Napairap ako sa hangin, pasalamat siya nagbabagong buhay na ako because I wanted to please Mama. Kung hindi, matagal ko na siyang inaway sa ugaling parati niyang ipinapakita sa akin, Sure, sibling’s fight is inevitable, pero iba kasi talaga ang ugali ni Rina. Madalas ay dahil alam niyang siya ang kakampihan ni Mama, parati niyang sinagad ang pasensya ko at pinagmumukha akong masama kahit siya naman ang masama ang ugali. Pagkatapos ng shift sa part-time job ko, na hindi alam ng pamilya ko, nagtungo muna ako sa mall. May ilang gamit lamang para sa school project akong bibilhin. Pumunta agad ako sa bookstore para mabili ang mga iyon. Gumala rin ako sandali at napadpad ako sa paborito kong shop. Nahagip agad ng mga mata ko ang mga bagong display na bags na mukhang bagong labas lamang ng brand na ito. Nate-tempt akong bumili pero agad kong pinigilan ang sarili. Kinagat ko ang aking labi. Kung noon ay mabilis lang sa akin ang magwaldas ng pera, simula nang mamatay si Papa ay namulat ako sa mga bagay-bagay sa murang edad. Hindi dahil kaya mong bilhin ay dapat bilhin mo. Umalis ako sa shop bago pa magbago ang mga itinatatak ko sa isipan ko. May mas dapat akong paglaanan ng perang mayroon ako. Pasakay na ako ng escalator para makababa sa ground floor nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ng kapatid ko. “It’s your fault, you b***h!” Nakita ko si Zarina na may sinampal na babae. Hinablot ng babae ang buhok ng kakambal ko at marahas iyong hinila. Napasugod ako papunta roon at agad na pinigilan ang dalawa. “Rina, tama na ‘yan!” Muli niyang sinugod ang babae kahit na pinipigilan ko na. Nakalmot niya pa ito sa braso kaya’t lumapat ang isang ngisi sa labi ng aking kapatid. “Serves you right, b***h!” sigaw ni Zarina. May ilan nang nakakapansin sa kaguluhan. Pinagtitinginan na sila at ang iba nga’y nagtatawag na ng security. “Mang-aagaw ka ng boyfriend!” sigaw ng babae. “Kasalanan ko bang ugly duckling ka at cheap kaya ipinagpapalit ka ng boyfriend mo—” Hinablot siyang muli ng babae sa galit. Maging ako ay itinulak ng babae sa galit niya dahil sa sinabi ng kapatid. Nagsabunutan ang dalawa at naririnig ko na rin ang boses ng mga security. Hindi ako makatayo dahil sumakit ang kamay ko nang ituon ko ito kanina dahil sa pagkakatulak sa akin. “Malandi ka!” At malakas na itinulak ng babae ang kapatid ko. Humampas ang likod ni Zarina sa isang glass wall na siyang mabilis na nabasag dahil sa impact ng pagtulak kay Zarina. “Rina!” Napatayo ako kahit na sumasakit pa ang aking pang-upo. Tinangka siyang saluhin ng mga security na dumating ngunit nahulog na si Zarina sa unang palapag ng mall. Isinugod ko agad ang aking kapatid sa ospital. Ang sabi ng doktor, there are no broken bones. Mabuti na lang daw at hindi ganoon kataas ang pagitan sa pangalawang palapag at unang palapag ng mall na iyon, ngunit may mga injuries ang aking kapatid na kailangang bigyang pansin. Baka raw hindi ito agad makalakad ng ilang buwan. Hindi rin maganda ang balita na may mga bubog na nahulog sa mukha ni Zarina na dahilan upang…. Malakas na pagsigaw ng aking kapatid ang narinig ko. May malay na siya at naabutan ko itong tinitingnan ang sarili sa salamin. “This c-can’t be…” sabi ni Zarina. Dinaluhan ko ang kapatid ngunit nang makita niya ako ay agad niya akong pinalayo. May mga sugat sa mukha si Zarina at hindi maganda ang kinalabasan nito. Kailangan pa iyong pahilumin nang matagal na panahon para bumalik sa dati ang mukha ni Zarina. Ang problema, maaari raw mag-iwan ng peklat. “Kasalanan mo ‘to, Zari!” sigaw niya sa akin. Nagulat ako sa kanyang sinabi, kaya kahit nag-aalala sa kalagayan niya ay hindi ko napigilan ang sarili. “Bakit ako?! Pinigilan ko lang kayo, hindi ako ang tumulak sa ‘yo!” Iyak siya nang iyak. May benda ang kanyang mukha dahil sa mga natamong sugat. “Kung hindi mo sana ako pinigilan ay siya sana ang naitulak ko!” sigaw niya sa akin habang humihikbi. “I will tell Mama about this!” Naalarma ako roon. Kahit gusto kong sigawan si Zarina dahil ako ang sinisisi niya ay agad nawala ang tapang ko. Kapag binabanggit niya si Mama, nawawala ang angas ko. Siguro kasi alam ko, mas paniniwalaan niya si Zarina at kakampihan niya ito kaysa sa akin. Rina is her favorite daughter, and I am no one’s favorite. “Hindi ako pwedeng magpakita sa mga Benavidez na ganito ang itsura ko! They will sure be disgusted with me!” Lalo siyang umiyak. “Baka ayawan ako ng magiging fiancé ko! Oh, no!” Tanging pag-iyak lang ang maririnig mo sa silid ni Zarina. Tinangka ko siyang pakalmahin. Alam ko kung gaano siya ka-excited makaharap ang magiging fiancé niya kaya siya ganito. “This is your fault, Zari! Kahit saan ka talaga magpunta, dala mo ang malas! Now what? I don’t want to disappoint Mama! We’ve been waiting for this tapos sisirain mo lang—” “Wala akong kasalanan, Zarina.” Huminahon na ako pero pinaglalaban ko pa rin na wala akong kasalanan. Hinayaan ko lang na ilabas ni Zarina ang kanyang nararamdaman. Hanggang sa magulat ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay. “Zari,” pagtawag niya. “We’re look-alike, right? Magkamukhang-magkamukha tayo. Aside from some difference, hindi naman kapansin-pansin if we switched places, right? Panandalian lang, habang nagpapagaling ako.” Dahan-dahan kong nakita ang pagngiti ni Zarina. “Gusto mong makabawi sa nangyari sa akin? Help me, then. I have an idea.” Napakunot ang aking noo sa sinabi niya. Ang kanyang mga mata ay titig na titig sa akin. Napalunok ako dahil pakiramdam ko, malalagay ako sa isang posisyong mahihirapan akong takasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD