“I’M going to be okay,” sabi ni Zarina sa akin. Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito. Akala ko, kagaya ko ay makakayanan ni Zarina ang lahat pero siguro dahil na rin sa pagkakaiba ng pinagdaanan namin, iba rin iyong response namin o kung paano namin bubuuin muli ang sarili mula sa pagkakadurog. Matapos ang nangyaring attempted suicide ni Zarina, nagdesisyon si Azriel na kausapin siya. There’s a rehabilitation center that can help her cope up with her depression. Nang marinig ko iyon, umaasa ako na ito ang makakatulong kay Zarina. Pero naisip ko rin na kakailangan niyang umalis dito at pumunta sa residential treatment center para sa rehab. Nalulungkot man akong mapalayo na naman sa kanya, but if it will help her, kakayanin ko. Pumayag doon si Zarina. Sinabi niya na mas maganda nga

