NANLALAKI ang aking mga matang nakatingin sa kanya. Ang aking puso ay gusto nang kumawala sa kinaroroonan niya. Kinakabahan ako sa biglaang pagpapakita ni Zarina! “Do you know her?” tanong ni Nicandro. Wala ako sa sariling tumango. Inayos ko ang sarili ko at tumingin kay Zarina. Noong una, akala ko ay hinihintay niya lamang ako, pero bigla kong napagtanto na nakatulala na pala sa kawalan si Zarina. Hinawakan ko ang kanyang braso at marahan siyang inalog pero hindi siya gumalaw. Paulit-ulit ko pa siyang inalog para lang bumalik siya sa katinuan niya. Gumalaw ang ulo niya at tumingin sa akin. “Pwede ba tayong mag-usap?” May kung ano sa kanyang boses na hindi ko maintindihan. Tumingin ako sa mga guards at nang mapansin na hindi nila napansin ang pagsipot ni Zarina ay umalis kami roon

