DUMATING din ang ilang kamag-anak ni Azriel. Nakita ko ang ilang tiyuhin niya at ang ilang pinsan ay nagulat pa sa presensya ko. Tipid ko lamang silang nginitian at tinanguan naman nila ako. “How’s Lolo Alex?” tanong ni Gareth kina Tito Hati. “He’s stable now. They are preparing the private room para mailipat na siya roon.” “Si Tita Hera ba? How is coping with this?” tanong ni Avion Benavidez. Should I call them tito? Pero hindi ako close sa kanila. Hera Benavidez, kung hindi ako nagkakamali ay siya ang lola nina Azriel. “She’s fine,” tipid na sagot ni Tito Hati. Tinitigan ko si Azriel. Simula kanina ay hindi na siya nagsasalita pero nang batiin siya ng kanyang mga kamag-anak ay nakita ko ang friendly niyang ngiti. Pati talaga sarili niyang pamilya ay ganitong ugali ang ipinapakita n

