SUMASAMA ako kay Yago kahit pakiramdam ko ay ayaw niya sa akin. Kapag lumalapit ako sa kanya, para akong sakit na gusto niyang layuan. But…my mission here is to know him. Siya ang pakakasalan ng kakambal ko. At ayoko man sa posisyon kong ito, ayoko ring may masabi na naman sa akin ang mama ko dahil sa mga gawa-gawang kwento ni Zarina.
Tumigil sa paglalakad si Yago kaya tumigil din ako. Nilingon niya ako at ang mga walang buhay niyang mga mata ay nagbigay kilabot sa akin.
“Can you stop following me?”
“Why? Hindi ba dapat magkakilala tayo at magkamabutihang dalawa? Iyan ang sabi ng parents mo.” I tried to smile at him pero agad ding nawala nang hindi niya ako pansinin at umaktong walang narinig.
Yago is not bad. Unlike his brother na sinabihan akong sinungaling, tahimik lang siya at medyo snob but he’s not bad. Kung ako ang ipapakasal sa kanya, hindi ako magrereklamo.
Alam ko naman na nagsisinungaling ako sa ginagawa kong pagpapanggap pero…dapat ba talagang ipamukha niya sa akin iyon? Isa pa, papaano kaya nalaman ni Azriel na nagsisinungaling ako? Masyado ba akong obvious? Kaya ngayon, ginagawa ko ang lahat para maging si Zarina.
Hangga’t maaari rin ay nilalayuan ko si Azriel. Delikado ako sa kanya. Masyadong matalas ang mga mata niya at baka nga malaman niya ang pagpapanggap ko.
Kakaisip ko ng kung ano-anong bagay, hindi ko man lang napansin na naririto na kami sa may mini bar sa unang palapag ng bahay. Kumuha ng alak si Yago at nagsalin sa isang baso. Nilingon niya ako.
“Do you drink?”
Ikinabigla ko man ang kanyang pagtatanong ay mabilis akong umiling. Matagal na akong tumigil sa pag-iinom. Simula nang mapagtanto ko na kahit anong gawin ko ay hindi mag-aalala si Mama sa akin kagaya ng pag-aalala sa isang anak, tinigil ko na ito. Isa pa, masama sa akin ang masyadong nalalasing kaya iniiwasan ko na.
Hindi na ulit nagsalita si Yago. Akala ko noong una ay hindi na naman niya ako papansin kagaya kanina pero naglakad siya papunta sa refrigerator at kumuha ng juice, nagsalin sa isang baso at ibinigay sa akin.
“I hope you drink orange juice.”
Natulala ako sa basong hawak ko na ngayon. I told you, he’s not that bad! Aside from being snob and cold sometimes, hindi siya epal kagaya ng nakababatang kapatid.
Tipid akong ngumiti kay Yago at nagpasalamat.
Tahimik lamang kami roon, pero kahit ganito, the quietness gave me comfort. Napatingin ako sa gawi ni Yago at napangiti ako sa aking sarili habang umiinom sa aking juice. First time may mag-offer sa akin ng juice. Hindi ko nararanasan itong ganito. And yes, ang maliliit na bagay kagaya nito ay sobra kong na-appreciate dahil madalang o minsan ay hindi ko talaga nararanasan.
May sumira ng katahimikan naming iyon nang may tumikhim sa gilid ko. Napatingin kami sa kanya at nakita ko agad si Azriel. Iyong kalmanteng pakiramdam ko ay biglang nawala at ang emosyon ay tila ba naistorbo ng presensya ng lalaking ito.
Nanlamig ang aking kamay dahil sa malapusa niyang mga matang nakatingin sa akin na akala mo ay inoobserbahan akong mabuti. Ang mga salita niya kanina sa akin na aalamin niya ang sekreto ko ay paulit-ulit sa aking isipan.
“Where are you going, Azi?” tanong ni Yago sa kanya.
“Meeting with friends.” Nakangiti siya sa kanyang kapatid na akala mo ay siya ang pinakamabuting tao sa balat ng lupa. Ngunit nang tumingin siya sa akin ay napansin ko ang dilim na nakapaloob sa kanyang mga mata.
Hindi na nagsalita si Yago at tinalikuran na rin ang kapatid niya. Gusto kong mag-iwas pero para bang magnet ang kanyang mga matang ayaw pakawalan ang akin.
“See you later.” Hindi ko alam kung ako lang, pero may kakaiba sa tono ng pananalita niya.
I internally shake my head. Masyado kong ina-analyze ang kilos niya dahil sa mga pagbabanta niya sa akin.
Hindi man ako madalas kinakausap ni Yago, hinahayaan niya naman akong sumunod sa kanya. The only time na tumitigil ako ay kapag pumapasok na siya sa kuwarto niya. Minsan naman ay nag-uusap kami. Kapag may tinanong ako sa kanya, sasagutin niya naman kahit sobrang tipid niya talagang magsalita.
Noong maghapon ay nakita ko si Tita Adira sa may likod ng bahay. May hawak siyang wine glass habang nakatingin sa malayo. Naisipan ko na kausapin ito nang makilala ko nang mas mabuti si Yago. Magtatanong-tanong lang ako sa kanya ng mga bagay tungkol sa anak niya.
“Tita Adira.” Hinawakan ko ang kanyang balikat at nanlaki ang aking mga mata nang mabitawan niya ang wine glass niya at halatang gulat na gulat sa presensya ko.
Noong una ay tumingin siya sa akin na para bang takot na takot siya sa kung ano pero nang kumalma siya ay agad siyang humingi ng paumanhin.
Mabilis ang kabog ng dibdib ko. I think I scared her. Nagulat ko ata siya sa biglaan kong pagtawag sa kanya.
“S-Sorry, Zari. Nagulat lang ako. I must be spacing out too much kaya hindi kita agad napansin. I should avoid coffee. Masyado akong nagiging nerbyosa.” Tumawa si Tita pero pilit lang. Hahawakan niya sana ang nabasag na wine glass nang tumigil din. “Tatawagin ko lang sina Manang at ipapalinis ito. Oh, my goodness, pasensya ka na talaga sa akin.”
Pilit akong ngumiti sa kanya. “Ako nga po dapat ang humingi ng pasensya sa inyo, Tita.”
Ngumiti si Tita sa akin, this time ay may kasama nang lungkot. “Kuhang-kuha ninyo talaga ang mga mata ng inyong ama. Kapag napapatingin ako sa ‘yo ay akala mo si Sage ang nakikita ko.”
Ramdam ko ang bigat at lungkot ng mga salita niya. Alam ko na sobrang lapit ni Tita Adira sa aking ama kaya ang pagkawala nito ay paniguradong sobrang sakit sa kanya kahit gaano na katagal ang panahong lumipas. Ganoon din sa akin. Ilang taon na pero sariwa pa rin ang naiwang sugat ng pagkamatay ng aking ama. Lalo na at partially, I was the reason.
Nagpaalam si Tita Adira sa akin at umalis pansamantala para magtawag ng maglilinis ng nabasag na baso.
May kung anong bumabagabag sa akin pero dahil hindi ko rin maintindihan ito ay pinagsawalang-bahala ko na lang.
“Don’t do that again.” My back snap and the hair at the back of my neck stood up. Kakaibang kilabot ang naramdaman ko sa boses na narinig ko. It’s menacing.
Nilingon ko ang direksyon na pinanggalingan nito. Noong una ay pinapanalangin ko pa na sana hindi ako ang kinakausap ng pamilyar na boses na iyon, subalit nalaglag ang lahat ng pag-asa ko nang makita ko ang madilim niyang mga matang nakatingin sa akin. His eyes are dark, dangerous…and full of hatred. Alam ko man na hindi para sa akin ang galit at pagkamuhing nararamdaman niya, it’s so tangible I can taste it.
Napalagok ako at kinalma ang sarili. I tried to strike a normal conversation with him para hindi niya mapansin ang takot na nararamdaman ko para sa kanya.
“Ang alin?” I want to clap my hands for myself for not stammering with my words.
Naglakad si Azriel papalapit sa akin. His infuriating smirk is nowhere to be seen. Ibang ekspresyon ni Azriel ang ipinapakita niya na pakiramdam ko, hindi niya ipinapakita sa ibang tao.
“Startle my mom. She’s not good with sudden appearance behind her o iyong ginugulat siya. Don’t do that or I’ll make you regret it.”
“Hindi ko naman sinasadya.” Tsaka hindi ko alam na ganoon ang magiging reaksyon niya sa pagtawag ko ng pangalan niya. Hindi ko rin intensyong gulatin siya.
Sandali pang nakatitig sa akin si Azriel na akala mo ay kakainin niya ako ng buhay. Dumating sina Tita Adira at doon lamang ako nakahinga nang maluwag.
“Azriel, you’re here na pala.”
Ang dilim ng mga mata ni Azriel ay agad na naglaho. He’s so good at schooling his emotions na hindi mo iisiping masama niya akong tinitingnan just 2 minutes ago. Isinuot niya na rin ang kanyang ngiting parati niyang ipinapakita sa lahat.
Nilingon niya ang ina with that friendly aura at niyakap ito.
“Hi, Mom. Kakauwi ko lang. Nakita ko si Zari so naisip ko na makipag-usap with my future sister-in-law.”
Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. There was a distaste in the way he said the last words. I can’t be wrong with that. Ayaw niya bang maging sister-in-law ako? Tinanong niya ba ako kung gusto ko siyang maging brother-in-law?
“Good thing nagkakasundo kayo ni Zari.”
Azriel gave me a side-eye glance, his smirk became ominous. “Yes, of course.”
Liar. Kung may sinungaling man sa aming dalawa, siya iyon. Sobrang galing niyang magsinungaling at magpanggap na maging sarili niyang mga magulang ay hindi iyon napapansin. He may act a good boy and s**t, but I feel like he has sociopathic tendencies. Iyong tipong walang pakealam sa moralidad ng tao o kung ano ba ang tama at mali. Para sa kanya, what matters the most is that it’ll be beneficial to his side, and to his side alone.
Sabi ko nga, hindi dapat ako lumalapit kay Azriel. Mas gusto ko pang magmukhang langaw sa harapan ni Yago dahil hindi niya ako pinapansin, kaysa sa kapatid niyang hindi mo maintindihan kung anong klase tao.
Just the thought gave me a shiver throughout my body.
Hindi ko na masyadong naririnig ang boses ng ibang tao, dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon kay Azriel. Sobrang galing niyang itago ang kanyang emosyon na kung hindi niya lang ipinapakita sa akin ang ugaling mayroon sa likod ng mga ngiti niya, maging ako ay malilinlang. Baka sabihin ko pang mas maganda siyang choice pakasalan kaysa sa kapatid niya.
Nang tumingin ulit sa akin si Azriel. Umiwas ako. Ayokong maabutan niyang tinititigan ko siya at kung ano pang isipin ng lalaking ito.
“By the way, aalis kami ng Dad mo, Azriel. This time, matatagalan kami at hindi agad makakabalik dito. Okay lang ba na kayo muna ang maiwan for Zari? Maglibot kayo rito sa probinsya. I’m sure na gustong gumala ni Zarina at makita ang magagandang tanawin dito sa province. Makahinga man lang sa magulong syudad, right?”
Ngumiti na lang ako kay Tita pero hindi na nagsalita. I want to scream ‘no’. Huwag ninyo akong iwan sa anak ninyong iyan. Pero kung kasama naman si Yago, baka kahit papaano ay ma-tolerate ko pa si Azriel.
Umalis nga kinabukasan sina Tita Adira. Sinabi niya na huwag akong mag-alala dahil uuwi rin ang babaeng anak niya. Medyo busy lang sa ngayon. Hindi ko alam kung makakahinga ako nang maluwag doon. Paano kung kaugali ni Azriel? Sana naman hindi.
Pumasok na ulit ako sa bahay. Nang isira ang pinto, roon ko lang napagtanto kung anong sitwasyon ko.
Now, I am trapped in this house with two men I can’t comprehend. One is the self-centered fiancé who doesn’t give two cents about me. The other one is a demon dressed in human clothing. Kung may mas ilala pa ang sitwasyon kong ito, hindi ko na alam. Baka bago pa ako bumalik sa dating buhay ko, wala na ako sa sarili ko.