“LARO tayo!” sigaw ni Regina. Pakiramdam ko ay lasing na ang isang ito. “What game?” tanong ni Sir Kier. Hindi pa rin ako pinapatahimik ng kaisipang inilantad ni Azriel ang baho ng mga Leviste dahil sa akin. Ganoon niya kabilis pabagsakin ang kahit sino basta nanaisin niya. Kung baga sa food chain, sina Azriel ang nasa tuktok and the rest, kaya nilang kainin kung gusto nila. “Never Have I Ever! Magtatanong tayo sa isa’t isa, tapos kapag ginawa mo iyon, iinom ka ng alak. Since mga adults na naman tayo, dirty version dapat.” Inirapan ko si Regina dahil sa mga iniisip niya. Naghahanap lang ito ng dahilan panigurado para maitanong niya kay Kier ang mga hindi niya maitanong. Napatingin ako kay Azriel. Hindi siya umangal. On the side note, maganda na rin siguro itong oportunidad para malama

